Kabanata 53 Hindi ko alam kahit sa kabila na ng panghihina ko na sa mga nasabi sa akin ni Simon ay hindi pa rin ako natinag at nagawa ko pa sya ulit sundan. “Simon?” sabi ko habang hinahabol ko ang mga bawat hakbang nya. Tumigil sya saglit galing sa paglalakad. Nakita kong gumalaw ang kanyang balikat, huminga sya ng napakalalim, at hindi nya pa ako nilingon. Aamba na naman syang maglakad pero tinawag ko syang muli. “Simon, pakinggan mo muna ako?” Kita ko kung paano lamunin ng basa mula sa ulan ang kanyang damit. Sa pagkakataong ito ay nagawa nya akong lingunin gamit ang pinaghalong pagod at malungkot na ekspresyon. “What are you trying to explain Lorraine? Anong gusto mong gawin ko afterll all this year? Na maging ayos ang lahat?” iritado nyang sabi at hindi pa sya doon natapos.

