Kabanata 52 Halos magkakasabay lang kaming tumungo doon sa studio kasama ang ibang chefs. Nakaramdam ako ng kaba nang makita ko na ang mga ang led screen, at mga naglalakihang camera dahil unang beses ko ‘to na may exposure sa national TV. Parang ang set up ay katulad nang isang sikat na reality cooking show na Master Chef. Ang mga kalahok ay may kaniya-kaniyang counter. Ang mga main host ay kitang-kitang handa na rin, kausap nila ang mga directors at writers para doon sakanilang mga spills na ipapakita sa malalaking teleprompter. Napalunok ako nang mapabaling ako sa mga katulad kong chefs na masayang nagku-kuwentuhan. Out of place na out of place ang pakiramdam ko, naiintindihan ko naman iyon dahil wala pa sa kalingkingan ko ang narating na nila kesa sa akin. They are all ‘renowed’ ika

