bc

THE EVIL BOSS (VLADIMIER DELA VEGA)SPG

book_age18+
2.7K
FOLLOW
18.0K
READ
sex
pregnant
dare to love and hate
boss
bxg
heavy
serious
reckless
virgin
humiliated
like
intro-logo
Blurb

Rated SPG(R18+) Mature content

Isang girl hatred man, si Vladimier Dela Vega, sa edad niyang twenty five, wala pa siyang siniseryoso na babae. Para sa kanya magkapareha lamang ang lahat ng mga babae. Mangagamit at mukha pera just like what his mother done to his father when he was ten years of age. Iniwan sila ng kanyang ina tangay ang milyones na halaga ng kanyang ama.

Sa kabila ng kanyang pagmamakaawa na huwag silang iwan nito. Pero mas pinili pa rin nitong sumama sa ibang lalaki. Saksi siya kung paano halos gumuho ang mundo ng kanyang ama sa ginawang pag-iwan ng kanyang ina.

Not until he met Desiree Aguas a college working student. Tenant ito ng kanyang pag-aari na coffee shop. Ito ang dahilan kung bakit nagbago ang pananaw niya sa mga babae. Ang unang babaeng magpapatibok sa kanyang mala bato na puso. Ngunit ito rin pala ang muling magpapabuhay ng matinding galit na matagal niyang ibinaon sa limot.

Hanggang kailan dadalhin sa kanyang galit at poot si Vladimier? Kaya ba niyang magparaya para sa ikaliligaya muli ng kanyang ama? O siya mismo ang hahadlang para sa muling pag-ibig nito? Magagawa pa kaya niyang itama ang kanyang pagkakamali kung gayoy labis na niyang sinaktan ang babaeng kauna-unahan niyang minahal.

chap-preview
Free preview
Chapter one
Chapter One VLADIMIER “Kuya Vladi! What’s wrong with you? Alam mong nahihirapan na akong maghanap ng mga tauhan, dahil lahat na lang ng naha-hire ko, pini-fire mo! Ilang beses na tayong kumuha ng empleyado para sa coffee shop na 'to, pero lagi mo silang tinatanggal. Ano ba ang problema mo sa kanila?” Naiiling na tanong ni Lexus sa akin. Kagagaling lang niya sa meeting para sa kompanya namin. Ako naman ang namamahala sa dream business naming magkakapatid. We’re currently opening branches all over the Philippines. Pure Heart Coffee is now one of the highest-ranked cafés in the country. Pero kung ang pangalan ng coffee shop namin ay nakaka-in love, kabaliktaran naman ang mga may-ari nito—kami. Lalo na ako. Kilala ako sa tawag na “Evil Boss,” dahil sa kunting pagkakamali lang ng empleyado, tanggal agad sila sa trabaho. I stretched both arms and crossed them above my chest. I leaned back in my chair and propped my feet up on my office table. I stared straight at Lexus, who furrowed his eyebrows, halatang naiinis habang hinihintay ang sagot ko. “Kuya, ano na? Magtititigan na lang ba tayo?” I said mockingly, smirking at him. Mukhang nahahawa na siya sa pagiging mainitin ko ng ulo. “That’s not new, bro. Alam mo namang ayaw ko ng mga taong hindi sumusunod sa rules ko. At isa pa, I’ve already told you—I don’t like working with women. Mabagal silang kumilos, hindi maayos magtrabaho, at ang pinaka-ayaw ko: wala na silang ibang ginawa kundi magpa-cute sa akin.” “That’s sh*t, kuya! Alam ko naman kung bakit ayaw mo sa mga babae. Pero kailan mo ba mare-realize na hindi lahat ng babae katulad ni Mommy Esmeralda? Sana naman huwag mong idamay ang iba.” “What are you saying?” I asked coldly. “You know what I mean, kuya. Hindi lahat ng babae katulad ni Mama Esmeralda.” I lost my temper. My anger exploded. Malakas kong hinampas ang ibabaw ng office table. Napanting ang tenga ko sa narinig. Ang pinaka-ayaw kong marinig ay ang pangalan ng taong matagal ko nang itinuring na patay. “Stop! You know I hate hearing that stupid name. She’s never our mother! Never ever! She’s nothing but a gold-digging, selfish w***e!” Hindi ko napigilang mataasan ng boses ang kapatid ko. Muli na naman niyang binuhay ang bangungot na pilit kong nililimot. Ang babaeng dahilan kung bakit naging bato ang puso ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakakalimutan ang huling tagpo. Sa mismong araw na iyon, nalaman namin na lahat ng pinaniwalaan namin ay kasinungalingan. She made us believe we had a happy, perfect family—mapagmahal na ina, masayang tahanan, at isang buo at masaganang pamilya. Nakita ko kung paano magmahalan ang mommy at daddy ko noon. Pero lahat pala ng iyon ay peke. She had an affair with our driver. Ninakawan nila si Daddy. Hindi pa sila nakuntento—muntik pa nila siyang patayin sa harap namin. Because of them, our lives fell apart. Nawala ang lahat sa amin—ang kompanya, ang bahay, ang lahat ng karangyaan. At the age of ten, I stood as a mother and father to my younger brothers, Lexus and Constantine. Saksi ako sa bawat luha ni Daddy, sa bawat gabing lasing siyang umuuwi, hindi matanggap ang katotohanang ginago siya ng babaeng pinakamamahal niya. She destroyed our family. Hilam sa luha ang mga mata namin habang palihim na pinapanood ang pag-aaway nina Mommy at Daddy. “Kuya Vladi... is that true? Mommy is having an affair with Kuya Melvin, our driver?” curious na tanong ni Lexus noon. Eight years old pa lang siya. I was ten—but I was forced to think like an adult. “Ssshh, huwag kang maingay. Baka magalit sina Mommy at Daddy,” bulong ko. “No. That’s not true. Huwag kang maniwala sa mga maid natin, okay? Mommy loves us. Hindi niya magagawa ‘yon,” I said as I wiped his tears. Ayokong makita ang kapatid ko na umiiyak. Flashback: “F*ck you, Esmeralda! Ginago mo ako! All this time, pinaniwala mo ako na isa kang mabuting asawa at ina! ‘Yun pala matagal mo nang binabalak ang pagnakaw ng pera ko! Minahal kita. Binigay ko ang lahat sa’yo—pero ito ang ganti mo, btch!” sigaw ni Daddy. “Give me back all my money!” galit na galit na sigaw ni Papa Condrado. Sinampal niya si Mommy nang malakas. Pero hindi natinag si Esmeralda. “Are you done, Condrado? Kahit ano’ng gawin mo, hindi na kita mahal—o mas tamang sabihin, hindi kita minahal kailanman. At wala akong ninakaw sa’yo. Ang kinuha ko, bayad lang sa ilang taon kong pakikisama sa’yo at sa pagbibigay ko sa’yo ng mga anak. Sa totoo lang, kulang pa 'yan,” sagot niya, taas-noo. “Hayop ka! Ni hindi mo man lang naisip ang mga anak mo! Niloko mo rin sila—pinaniwala mong mahal mo sila!” Pero hindi na siya pinakinggan pa ni Papa. Kinuha niya ang malaking itim na maleta at matulin na lumabas ng mansyon. Bago pa man tuluyang makaalis si Mommy, agad kaming tumakbo upang pigilan siya. Umaasa kaming magbabago ang isip niya kapag nakita niya kami. “Mommy! Don’t leave us! Mommy, we love you!” umiiyak naming sabi habang niyakap siya. “Let go of me! Mga p*ste kayo! Hindi ko kailangan ng mga anak!” sigaw niya habang marahas kaming itinulak. “And wait, don’t forget, kids—I don’t give a damn about you. Kayo ang malas sa buhay ko!” Binitawan niya kami. Napaupo kami sa sahig. Bitbit niya ang kanyang mga gamit—at pati ang pagkabata naming hindi na muling bumalik. I worked so hard para marating namin kung nasaan kami ngayon. Sa tulong ng mga kapatid ko, nakapagtayo kami ng sarili naming kumpanya—at itong coffee shop. I blinked a few times and shook my head. I wanted to erase that nightmare from my memory. Bumalik ako sa kasalukuyan nang muling nagsalita si Lexus. “Okay, I’m sorry, Kuya. But please, nakikiusap ako. May bago na akong nahire na empleyado sa coffee shop. Sana naman this time, huwag mo na siyang tanggalin.” He still looked pissed. “Yeah, I’ll try. But if that person doesn’t follow my rules... I’ll fire them.” “Whatever!” Napailing na lang siya at tinalikuran ako, sabay labas ng opisina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook