chapter 5

1396 Words
DESIREE Pabalang kong inilapag ang aking bag sa maliit naming mesa, saka ako padapang ibinagsak ang katawan sa kawayan naming sofa. Sabado ngayon—walang pasok—kaya whole day duty ako sa café. Ang daming customers kanina kaya pagod na pagod aking katawang lupa. Mabuti na lang at nakauwi na ako't makaka-idlip kahit sandali. “Kumain ka muna anak bago matulog,” narinig kong wika ni mama. “Salamat na lang, Ma. Matutulog lang ako saglit,” sabi ko habang pikit na pikit ang mata. Sobrang antok ko talaga. Maaga pa kasi akong nagising kanina. “Sige, anak. Perp pagnagutom ka, initin mo lang ’yong niluto kong sinigang na bangus. Tatapusin ko lang ’tong ginagawa ko.” Hindi na ako sumagot—kahit pa paborito ko ang sinigang na bangus hindi na kinaya ng katawan ko ang bumangon at tinangay na ako ng antok. Pero hindi pa man lumalalim ang tulog ko, bigla akong naalimpungatan sa tunog ng cellphone ko. Pupungay ang aking mga mata nang silipin ko kung sino ang tumawag. Si Tin lang pala—isa sa mga kasama ko sa café—Pinatay ko agad ang tawag. Wala naman ’yang ibang pakay kundi mang-aya na naman ng inom. Muli kong ipinikit ang mga mata. Bahala na sila. Tulog muna ako. Kailangan kong makabawi ng lakas para sa duty bukas. Pero ilang minuto lang, muling nag-ring ang cellphone ko. Sa pagkakataong ito, si Veronica na ang tumatawag. Napaungol ako sa inis at pinatay ulit ang tawag. Para sigurado, pinower-off ko na ang cellphone. Ngumiti pa ako—sa wakas, wala nang istorbo. “Tulog is life,” bulong ko sa sarili. Pero nasa kalagitnaan na ako ng masarap na tulog nang may biglang yumugyog sa katawan ko. Bad trip—si Mama na naman? Bahagya kong iminulat ang mata ko. Pero hindi si Mama ang nakita ko… kundi ang gwapong demonyo kong boss! Panaginip lang siguro ’to. Impossible naman na nasa bahay siya. Kaya sige—samantalahin ko na ang panaginip na ’to! “Naku, Sir. Kung hindi ka lang demonyo, ang guwapo mo sana. Kaso, ipinaglihi ka yata sa ampalaya kasi ang bitter mo sa life.” Napangisi ako. Ang sarap biruin sa panaginip. Pero bigla kong napansin ang kunot sa noo niya. ‘Hala, ang parang totoo naman ng panaginip na ’to!’ “Naku, kahit sa panaginip, masungit ka pa rin. Pero sige na nga, cute ka naman ngayon. Ngayon lang, ha! Huwag kang mag-assume na araw-araw kang cute—madalas kamukha mo si Satanas.” Napatawa ako sa sarili kong sinabi. Inabot ko pa ang kanyang pisngi at kinurot pareho. Nakaupo siya sa gilid ko, feeling close. Kaya siniksik ko pa ang sarili ko palapit sa kanya. “Hmmm... ang bango mo,” bulong ko pa. “Sabi ko na nga ba may gusto ka sa’kin.” Nanlaki ang mata ko at agad akong umatras. ‘Sh*t! Hindi yata ’to panaginip!’ Pero hello! Paano naman napunta ang isang Vladimier Dela Vega sa pamamahay namin? At isa pa, hindi naman niya alam kung saan ako nakatira. Kaya for sure panaginip lang ito. Muli akong sumiksik sa kanyang tagiliran. Sasamtalahin ko na ang pagkakataon na ito. Hindi ko mapigi amg sarili ma amuyin siya. Sobrang bango halatang mamahalin ang pabango. “Huwag ka ng magkunwaring nanaginip ka. Alam kong sinasamantala mo lang ang kabaitan ko ngayon!” muli akong nagmulat ng mata dahil sa aking narinig. Wow! ha! Pati sa panaginip mayabang pa rin siya. Ngunit nang makita ko ang kanyang demonyong mukha nagpatanto ko na hindi pala ito panaginip. Kaya mabilis pa sa alas kuwatro akong napaatras palayo sa kanya. Pasimple ko pang kinurot ang aking braso para siguraduhinh hindi ito panaginip. ‘Aray! Totoo nga. Pero... anong ginagawa ng lalaking ’to dito?’ “Bakit ka nandito? Paano ka napunta rito? Sinusundan mo ba ako?” sunod-sunod kong tanong sa kanya. “Anak, mabuti at gising ka na. Boss mo raw siya kaya pinapasok ko na,” “Ma . . . naman! Bakit ka nagpapapasok ng kung sino-sino sa bahay natin? Paano kung masamang tao pala ’yan?” “Ahem . . . para namang hindi mo ako pinagsamantalahan habang tulog ka raw kuno?!” rinig kong sabat niya kaagad ko siyang pinanglakihan ng mata. Ang kapal naman ng mukha ng lalaking ito para sabihing pinagsasamantalahan ko siya. “Feeling mo naman. Akala mo kung sino ’ng guwapo!” ganti ko sa kanya. Ang feeling kasi. “Anak, Desiree. Huwag mong pagsalitaan ng ganyang ang boss mo. Mukhang nakulangan ka lang sa tulog n’yan. Sa guwapo ba naman ng boss mo, mukha ba ’yang masamang tao?” “You're right, Aling Linda,” Dinilatan ko siya. Epal talaga ng lalaking ito. Kahit ano pa ang sabihin niya. Nasa bahay ako, may karapatan akong magmaldita! “At saka, anak, mamayan na ’tong si Sir Vladi. Hindi niya kailangang magnakaw. At isa pa, wala naman silang mananakaw dito sa atin.” Napaismid ako sa narinig. Tila kinakampihan pa ni Mama ang demonyo kong boss. “Kahit na, Ma. Hindi ka ba nag-aalala na babae lang tayo rito? Paano kung rapist pala ’yan? Tapos pinagsamantalahan ako habang natutulog!” “You’re kidding, right? Ikaw nga ’tong pinagsamantalahan ako sa panaginip mo kuno,” sabay ngiti niya. Una ko siyang nakita ngumiti... at nakaka-inis. Inirapan ko siya lalo. Kung hindi ko lang siya boss, sinipa ko na ’to sa bayag. “Anak naman, okay nga ’yan. Guwapo ang magiging apo ko!” sabay hagikhik ni Mama. “Mama!” halos mapasigaw ako. Diyos ko, virgin pa ako, apo agad iniisip? “At saka, anak, asikasuhin mo ’yang bisita natin, ha. Sir, gusto n’yo po ba ng juice?” “Don’t bother na lang po. I’m okay.” Umalis na si Mama. Naiwan kaming dalawa. Napansin kong parang hindi mapakali si Sir. Ilang beses siyang lumunok, tapos umiiwas ng tingin. Nagtaka ako. Tiningnan ko ang sarili ko. Hala! Lumihis pala ang kwelyo ng suot kong blouse. Wala pa naman akong bra! Mabilis kong niyakap ang sarili ko. Napapadyak ako sa hiya. Feeling ko kulay kamatis na ang mukha ko. ‘Eh ano naman ngayon? Bahala siyang maglaway,’ inis na bulong ko sa isip. “Don’t assume na pinagnanasahan kita, because I’m not. Feeling mo naman malaki ’yan?” What?! Nanlaki ang mata ko. Hinayupak talaga ’tong lalaking ’to! Tiningnan ko siya nang masama. Hindi ako makapagsalita sa inis. “Ano nga ba’ng ginagawa mo rito? At paano mo nalaman kung saan ako nakatira?” taas-kilay kong tanong. “Huwag mo nga akong pagtaasan ng boses. Boss mo pa rin ako.” “Boss lang kita kapag nasa trabaho. At for your information si Sir Lexus ang tunay kong boss. Siya ang nag-hire sa’kin.” “Okay, fine. I don’t want to argue. Alam ko naman na hindi ka papatalo. Maldita!” Napangisi ako. Buti alam niyang maldita ako. Pero wait . . .first time yata ’tong demonyong ’to na hindi ako kinontra. “Eh, ano nga? Bakit ka narito? At paano mo nalaman ang address ng bahay ko?” tanong ko ulit na nakataas pa rin ang kilay. “Nadito ako para sunduin ka. Hindi makakapasok si Tin. May sakit siya. Kaya ikaw muna ang papalit sa schedule niya. At sa tanong na bakit alam ko ang address mo. I am Vladimier Dela Vega I have my ways,” tugon niya at ngumisi ng nakatatakot. Bigla akong napaatras sa kanyang ngiti. Parang sa demonyo. Tila sinasabi nitong kahit saan akong lupalop ng mundo mahahanap pa rin niya ako. “De . . . ay este sir. Kakauwi ko lang galing sa duty ko. Puwede namang si Tin na lang. Pagod na pagod ako. Pagpahingahin mo naman ako. At isa pa, may karapatan akong magreklamo at tatanggi dahil hindi ko oras sa trabaho ngayon,” lakas loob kong tanggi sa kanya. “I double or tripple your salary this month. Ayaw ko lang na kahit isang gabing mag-close ang shop natin dahil masisira tayo sa mga suki natin baka lilipat sa iba,” Dahil sa aking narinig kaagad kong hinablot ang sling bag na aking dala kanina. “Kung ganyan naman pala..Halika na sir. Ako na ang magbabantay!” wika ko sabay tayo. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos ng aking sarili ang mahalaga ngayon kumikita ako ng mas malaki-laki. Malaking tulong na ’yon sa aking pag-aaral.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD