chapter 4

1111 Words
VLADIMIER Mabilis kong nahablot ang ballpen na nakapatong sa mesa at ibinato sa pintong pinaglabasan ng babaeng iyon. I gritted my teeth. Kay sarap niyang tirisin at ipakain sa alaga naming German Shepherd. Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para sagutin ako—knowing that I am her boss! First day niya, late na nga, siya pa ang may ganang magmaldita. Akala mo kung sinong matangkad. Napahilamos ako sa mukha at ginulo ang buhok sa labis na inis. “Grrr... I swear, I’m gonna kill that woman!” Kaagad kong kinuha ang cellphone at hinanap ang number ni Lexus. Puro sakit lang sa ulo ang mga tenant na hinahanap ng kapatid ko. Hindi marunong kumilatis. She's not fit for this job. So careless and irresponsible. Marahan kong hinilot ang sentido ko nang biglang sumakit. Tumayo ako’t naglakad papunta sa bintana. Hinawi ko ang makapal na kurtinang kulay abong kapareho ng kulay ng dingding. Sinalubong ako ng papalubog na araw. Mariin akong pumikit at huminga nang malalim. Inis na inis ako. I can't stand to work with her. Kaya ngayon palang I want her out of my sight or mas tamang sabihin out of my life. Hindi ko alam kung kakayanin kong makasama araw-araw ang bastos na babaeng ‘yon.She don't even know how to respect her boss. Totally squamy! A low class woman! Mas lalo nagdagdagan ang aking pagkairita dahil ilang beses ko nang dinial ang number ni Lexus pero hindi niya sinasagot. Mariin kong hinawakan ang aking cellphone at pilit na pinipigil ang nasumabong ang aking galit. “Sh*t! Lexus! Where are you? Answer your goddamn phone!” I held my breath, then slowly let it out. I tried to calm myself. Isa pang dial. Wala pa rin. P*ste! Sinasabotahe yata ako ng kapatid ko. “F*ck!” mariin kong sigaw. Naihagis ko ang cellphone sa ibabaw ng mesa. Why am I even here? Dapat nasa kumpanya ako! Pero itong si Lexus at si Tino, ako ang iniwan para pamahalaan ang coffee shop na ‘to. Paupo akong bumalik sa swivel chair at kinamay ang makapal kong buhok, pinaikot-ikot ang silya para kahit papaano’y kumalma. I have a deep sigh. Why should I bother myself with that rude woman? Boss ako, hindi ako dapat papaapekto. Napangisi ako—isang ngiting may halong paghamon. “Tingnan lang natin kung saan aabot ang katapangan ng babaeng iyon,” bulong ko. Sigurado akong katulad lang din siya ng ibang babaeng tenant. Kung hindi ko tanggalin, magkukusa rin siyang aalis. I really hate women. Especially sluts and whores. Pare-pareho lang sila. Wala silang pinagkaiba. Kaya ipinangako ko, never again. Mas gugustuhin ko pang tumandang binata kaysa lokohin ulit. For me, they are toys—temporary. Hindi dapat seryosohin. Lahat sila, mapanlinlang. Akala mo tupa, ‘yun pala leon. Ibigay mo man lahat, lolokohin ka pa rin. Uubusin ka, iiwan kang walang-wala. Tulad ng ginawa ni Esmeralda sa ama ko. Iniwan niya kami—walang pasabi. Wala. I clenched my fist. I really hate her. Hanggang buto, dama ko ang galit. Tuwing pumipikit ako, bumabalik ang gabing ‘yon—ang gabing iniwan niya kami. Isang bangungot na paulit-ulit. Bigla akong natauhan nang tumunog ang cellphone. Kaagad ko iyong sinagot. “I tried calling you so many times but you didn’t answer your phone!” kaagad kong singhal kay Lexus. Ngunit natawa lang siya. “What’s wrong, big brother? Daig mo pa babae kung makairap,” sagot niya, sabay tawa. Hayop sa pang-aasar talaga. “Shut up! Walang nakakatawa! At tigilan mo ‘yang ‘big brother’—wala tayo sa bahay ni Kuya!” “Wow, napagbiro ka na ngayon, Kuya Vladi. Pero seryoso, nagulat ako sa twenty missed calls mo. What’s the problem?” “Your newly hired tenant—late on her first day. At sinagot-sagot pa ako! What a rude woman!” “Wooah! Mukhang may katapat ka na, kuya. Baka siya na ‘yung the one mo?” “Stop that nonsense, Lexus! Hindi mangyayari ‘yan. I’m firing her. Now.” “‘Wag mong gawin ‘yan, kuya. Mahirap na nga maghanap ng tenant. Wala na halos nag-aapply. Kulang na lang magsumbong sila sa DOLE dahil sa dami mong tinatanggal.” “Pagtiyagaan mo na lang si Desiree. Maganda naman siya. Kung ayaw mo, akin na lang.” “What the h*ll, Lexus?! Puro kabastusan na lang ang laman ng utak mo!” Handa na sana akong murahin siya, pero napahinto ako nang marinig ko ang ungol ng babae sa kabilang linya. “Ah, sh*t... Lex, don’t stop...” I shook my head. Playboy talaga ‘tong kapatid ko. Basta may butas, pinapatulan. Aminado akong mahilig din ako, pero hindi naman ako kasing babaero niya. “Bye, Kuya Vladi. I’m busy. I’ll call you back.” Umalma pa sana ako ngunit Putol na ang tawag. Tsk . . . that maniac! Baka magkasakit pa siya sa kung sino-sinog babae ang ginagamit without protection. Lexus is so careless pagdating sa bagay. Ilang beses ng may sumugod sa kanyang babae claiming that they're pregnant with Lexus child. Lumabas ako ng opisina. Paglabas ko, bumungad agad sa akin ang babae—si Desiree—nakangiting nagbibigay ng order sa customers. “Balik po kayo, sir,” malambing niyang bati sa paalis na customer. Kahit gabi na, matao pa rin ang coffee shop. Katapat kasi ng ospital, mall, at condo. Ito ang main branch, ang unang itinatag naming magkakapatid. Ngayon, may franchises na kami nationwide. Lumapit ako sa kanya. “Hoy, bansot,” bulong ko sa tainga niya. “Ay! Demonyong walang sungay! Ba’t ka nanggugulat?!” sigaw niya. Nakatalikod pala siya kaya ‘di niya ako nakita. Sa gulat, nabuhusan ako ng sangkap sa mukha. “Look what you’ve done! Bagong-bago ka pa lang, palpak ka na agad!” singhal ko, nang makasigurong walang customers sa paligid. “Mawalang galang na po, Sir, ha. Ikaw ang nanggulat, tapos ako ang sisisihin mo? Ang lakas ng trip mo, Sir,” she's siad it with smiling face ngunit halata namang naiinis. She's her again, she's fighting me back. Kaya mas lalo akong nainis sa kanyang pagmumukha. ‘How does she have the nerve to talk to me like that?' “Next time, focus on your work! Hindi ‘yung pa-cute ka nang pa-cute sa customer! Understand?” “Yes . . . you're highness,” pabalang niyang tugon. Tinalikuran ko siya, at papasok na sana ng opisina, pero narinig ko siyang bumubulong. “May reklamo ka ba?” I asked her. “Ahe... wala po. Mahal na kamahalan.” Grrr... mababaliw na yata ako sa babaeng ‘to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD