The days passed like the wind. Halos hindi na sila nakakapag-pahinga ng maayos dahil sa pinagpaplanuhan nila.
Mabuti nalang ay nakinig talaga siya sa binata na sulitin ang unang mga araw niya rito sa farm ng mga Vitaliano. Dahil ngayon ay wala pa silang tulog dalawa at palaging abala.
They are so busy planning and preparing for the upcoming event. Nasa bungalow house sila ngayon ni Azariah dahil susukatan sila ng isang designer para sa upcoming auction.
Dapat masugid ang pagpaplano nila kahit sa maliliit na detalye na kaganapan. They couldn’t stand making it messy.
“Buenos Dias, Cider! Oh, it’s been a longgg time since I made your handsome clothes with your siblings. So tell me, what kind of event will you be attending?” Isang may edad na babae ang sumalubong sakanila. Nakipagbeso ito sa binata at inayos ang eyeglass nito.
Tahimik lang niyang pinagmasdan ang ginang. Natanto niyang may dugong mga Espanyol ang mga ito liban sa magagandang pigura at pangalan.
“It’s nice to see you again, senyora Murquia. I’m glad that you’re back now. Send my regards to Ignacio and Catalina,” hinalikan nito ang likod ng palad ng ginang at matamis itong nginitian.
Dala-dala ng ginang ang isang measuring tape at ang Chanel bag nito sa isang kamay. Tinanggal nito ang scarf sa leeg at may isinusulat sa clipboard nito.
“Of course, mi hijo! Oh, who is this hermosa right here? Is this your girlfriend, Cider? You have such a beautiful taste!” Nagulat siya nang hinawakan nito ang dalawa niyang kamay, at may pagkamanghang tumingin sa kanya.
“No, senyora. This woman right here is Senyora Sapphire Montecillo. We are here for working on in an important business.” Azariah replied politely. Inilapat nito ang palad sa likod niya kaya napalayo siya rito ng kaunti.
Mukhang nagulat naman ang ginang ngunit mabilis ‘ring nakabawi.
“Oh, I see, I see, Cider. I can feel that this girl is shy. But don’t worry! I won’t bite, milady. Now, now, let me measure Cider first. I have something to show you, Sapphire. I’ll assure you that you will be the elegant and gorgeous lady on that event! I can’t wait to show it to you.” Senyora Murquia said joyfully and clapped her hands with excitement. She gave her a wide smile and proceeded to measure Azariah.
Inabala niya ang sarili na pagmasdan ang ginang at binata. Ngayon lamang niya napagmasdan ang binata ng matagal. Kung ipagkukumpara ang tangkad ng dalawa ay malaking agwat iyon. Mataas si senyora Muquia pero nababalewala ang taas ng ginang dahil si Azariah ang katabi nito.
“Hello? May tao ba dito?” Naagaw ang pansin niya sa grupo ng mga binatang pumasok.
Sout ng mga ito ang sunglasses at halos sila ay naka long sleeve na nakayupi hanggang siko. Her eyes widen in disbelief, para itong mga modelong sasabak sa isang runway show.
Are they freaking kidding her?!
God! They look like a greek having a reunion!
“Kita mo na ngang may tao dito di’ba? Tanga lang, Vaughn?” Asik ng isang binatang naka-white t-shirt at binatukan ang nag-ngangalang Vaughn.
Oh God…
Nakatungo lang siya sa mga kalalakihang pumasok at hindi alam kung paano pakikitunguhan ang mga ito. Wala ni-isang salita ang namutawi sa bibig niya.
“Nasa paranormal activity kase daw siya, magulat ka nalang may sasagot sayong kakaibang nilalang. Ohhh spooky.” Tugon naman ng isang binatang may hawak-hawak na isang paperbag. Sadya pa nitong hinaluan ng pantakot ang boses nito para kunwaring takutin ang mga kaibigan.
“Que herror! Dios mio por pavor! Am I in a photoshoot of a men’s magazine? Who are these men, Cider? Bakit nag-uumapaw ang mga ito sa kagwapuhan?” Just like her reaction, senor Murquia gasped when she saw them entering the villa.
Sapphire even heard someone mouthed, “sabi sayo eh, gwapo ako.” from the group.
“They are my workmates, senyora Murquia. Introduce yourselves, morons.” Aniya nito sa ginang at binalingan ang grupo.
“Ay wow! Salamat Azariah ha? Ganda mo kabonding, sobra! workmates? Ganda mo talaga kabonding, promise.” May sarkasmong aniya ng nagngangalang Vaughn kay Azariah. Walang tugon ang binata rito at tinaasan lang ng kilay.
Sungit.
Nagulat siya ng lumapit sa kanya ang isang matangkad na lalaki. Singkit ito at may matangos na ilong. She could assume that he has the blood of a Chinese.
“I’m Cheyenne Vhen Montemayor, and you are?” A guy wearing a black long sleeve stood in front of her and extend his hand. Nag-aalangan niya itong tinanggap at naiilang dahil naagaw na nila ang atensyon ng iba pa nilang kasama.
“S-Sapphire Luscious.” Maikli niyang sagot rito at kaagad na binitawan ang kamay nito.
“What a handsome and lovely boy you are senyor Cheyenne. I bet that you can make any girl drool over your handsomeness.” Singit ni senyora Marquia at narinig ang tawanan ng lahat.
“What?! You got to be kidding me.” Sambit ng isa na parang hindi makapaniwala sa narinig.
“Handsome, senyora? Should I get your eyes check up? I am more handsome than him.” One of their friends uttered. Napuno na naman ng tawanan ang silid.
Kung siya ang tatanungin, walang mapili ni-isa sa kanila dahil pare-pareho naman ang mga itong may taglay na kagwapuhan. They have their own uniqueness and different features that makes them more attractive.
“Luh! Ano yan, sahig? luh, gwapo na yarn?” Si Vaughn na naman ang suki sa kalokohan ng grupo. Tinuro pa nito ang sahig, at ang mukha ni Azariah. Patuloy lang ang pambubuska ng mga ito sa isa’t isa.
Nasa ganoon silang scenario nang biglang pumasok si Rhyle, “Babe! Kumusta na? miss mo na siguro ang kagwapuhan ko ‘no?”
Speaking of the witch…
Nandito na ang ‘Gwapong-gwapo sa sarili’.
Wearing a plain black t-shirt and a cargo shorts, Rhyle entered with a welcoming arms. Kung maingay ang paligid kanina ay mas lalo pang umingay pagdating ng lalaki.
“Hi Rhyle! Pasensya kana, I didn’t miss you.” Bumusangot ang mukha nito pero sinalubong pa rin siya. They exchange hugged before going back to their own seats. She’s delighted to see some of his friends.
“So, you already know, Rhyle?” A guy with a top-knot hairstyle asked.
“Yeah, he is the one who introduced me to Azariah.”
“Dapat lang na ako ang unang makita! Sino ba kasing hindi ma-starstruck sa kagwapuhan ko di’ba?”
“Ryle and his obsession to his so called ‘kagwapuhan’.”
“Get ready boys, kayo naman ang susukatan ko mamaya. I’ll be measuring you one by one. I’ll just finish this. And oh! I’m gonna make sure that you will walk in that event with elegant and captivating suits.”
“We’re gonna count on you, senyora Murquia!” Vaughn snapped both of his hands at senyora who just laughed.
Napailing-iling siya at ibinaling ang tingin sa hawak-hawak niyang folder. It contains the information about LS lists which contains the important people that they need to keep an eye to. She’s been reviewing it for days.
Naramdaman niya ang pagtabi ng kung sino sa tabi niya , “You look pretty with that hairclip of yours.”
Napatigil ang pagbabasa niya at unti-unting lumingon sa pinanggalingan ng boses.
“Should I said thank you?” Walang halong sarkasmo sa boses niya.
Truthfully, she don’t know what to react either. Para itong kabute na sumusulpot kung saan-saan.
“No, you’re just pretty.” He blurted out.
Napangiwi siya roon dahil hindi niya napaghandaan ang sinabi nito. If it’s just her friends or siblings, she would have react differently. Pero hindi siya sanay na masabihan ng ganoon lalo na kapag… si Azariah ang magsabi niyon.
“I-Ikaw talaga. Stop kidding me, Azi,” inilapat niya ang palad sa gilid ng mukha nito at pabirong hinampas sa mukha.
“What if I tell you that I’m not kidding?” He whispered to her.
Hindi siya makasagot sa sinabi nito. Naramdaman niya ang titig ng mga kaibigan nito sakan’ya, at siguradong iba ang naiisip ng mga ito sa inaakto nila. Hindi nalang niya ito pinansin.
Ano na naman ang nakain nito at nagkakaganito?
She couldn’t figured out on why her heart is thumping rapidly. Nandito na naman ang pakiramdam na mukhang hinahabol ang puso niya. If it’s not growing feelings then what could it be?
“I’m not kidding also, Azariah. Stop playing with me ‘cause I might fell for it.”
She blurted honestly to him. Napapantastikuhan itong tinitigan s’ya at mukhang binabasa kung ano ba ang takbo ng isipan niya.
“Yohooo! Hindi naman ako mahinog na mangga pero nilalanggam ako ditto yohooo.” Pasipol na gatong ni Vaughnna ang pinariringgan ay sila. Agad siyang lumayo sa binata at tahimik na bumalik sa pagbabasa.
Pero alam niya sa sarili na kahit gaano pa niya basahin ang mga salitang nakalagay sa papel ay hindi niya maitatangging wala roon ang atensyon niya.
Sapphire tried to calm her sense down and it’s not even helping!
Binigyan niya ng distansya ang pagitan nila ng binata pero pinirmi nito ang bewang niya at hindi siya hinayaan.
Damn.