Lumipas pa ang ilang sandali bago pa lamang ako nakabawi sa nangyari. Nang tuloyan namang makabawi at marealized yung sitwasyon ay taranta akong itinukod ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ng braso niya at mabilis na iniangat ang sarili. Ngunit mabilis akong napadapa ulit sakaniyang katawan ng nadulas ang mga kamay ko. Narinig kong bahagya siyang napadaing dahil na rin sa kabigatan ko at may kalakasan yung impact ng pagkadapa ko sakaniya. Kahit may hula na ako ng kung anong nagpadulas sa kamay ko ay kabado ko parin itong tinignan para makasigurado. And I saw my hands were soaking from his blood. Impit akong napasigaw dahil sa gulat at taranta na napa-alis sa ibabaw niya at napa-upo sa tabi niya. My whole body was shaking. Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari bago pa ako napadpad

