Habang nasa loob kami ng helicopter ay hindi ko talaga binibitiwan yung handle nito. Dahil na rin sa takot na nga ako sa matataas ay hindi parin ako mapalagay sa mga nangyari kanina. Hindi pa nakakatulong na napapansin ko si Maetel na namumutla na. "Where...are we going?" nanginginig ang boses kong tanong. Randam ko ang panlalamig dahil sa pinaghalong kaba at takot. "Dinner," rinig kong sagot niya gamit ang suot nitong headphones na may mic dito sa helicopter kaya nagkakarinigan parin kaming dalawa. Napatanga naman ako sa isinagot niya. "Seryoso ka ba?" iritado kong tanong sakaniya. Ngunit hindi na siya umimik pa. Pero narinig ko ang bahagyang pagmumura niya dahil sa sumikdong sakit sa katawan. "Sa hospital na tayo! Baka biglang mamatay ka diyan. Ayaw ko pa naman na mabyuda ng maa

