Pareho lang kaming tahimik sa loob ng sasakyan habang bumabyahe ito pabalik sa bahay namin. Wala na talaga kaming nagawa pa ng ginusto niya talagang umuwi. Hindi man lang hinintay na maubos yung nakakabit na swero sakaniya. Boss nga naman. Kaya siya talaga ang masusunod. Bahagya kong pinaglalaruan ang mga daliri ko ng pa-simple ko siyang sinulyapan. Nakita kong nakapikit siya at tila nagpapahinga habang hinayaan na nakasandal ang ulo sa may sandalan ng upoan. I know he can feel a discomfort from his wounds. Lalo na't tuloyan ng nawala yung anesthesia na inilagay sakaniya. Kaya naglakas loob akong mag-magandang loob sakaniya kahit grabe na yung tahip ng puso ko sa kaba. "You can lay down on my lap." I bit my lower lip. Nanatili lamang siyang nakapikit at hindi umimik. Mabilis ko

