Ilang oras rin ang lumipas ng tuloyan kaming dumating sa lugar. Habang nasa byahe kami ay nalaman kong hindi makakapunta si Lessia lalo na't may importanteng lakad rin ito na hindi pwede ipagliban. Medyo pa daw na nagtatampo si Nathalie pero kilala naman nila ang ugali ni Nathalie kaya alam nilang nagi-inarte lang ito. Pagkapasok namin ay tumambad agad ang may kalakasan na ingay. May iba't ibang klase ng amoy ngunit hindi katulad sa mga bar na napupuntahan ko dito. Sa labas pa ngalang ay sumisigaw agad na mayayaman lang ang nakaka-apak dito lalo na't exclusive at kinakailangan pa ng golden card na ginagamit para makapasok. And baka himatayin lang ako kapag nalaman ko kung magkano yung card. Hawak kamay kaming pumasok ni Nathalie, kaya mabilis niya akong hinila papalapit sa table na n

