"How is she?" tinig agad ng Papa ni Rendyl ang narinig ko ng unti-unti akong nagkaroon ng malay. No'ng una ay medyo nagugulohan pa ako, ngunit kalaunan ay sunod-sunod na bumalik na sa'kin ang nangyari kanina. Muntik na ako don. Mas pinili ko na huwag munang idilat ang mga matas tahimik lang nakikinig sa usapan. "She just lost consciousness from the shock and the sudden dropping the tension from all of her body. But for now she's fine, Dad." Boses naman ni Maetel ang sumunod. Naramdaman kong may mainit na palad ang marahan na nakalapat sa may noo ko at sa hindi mapaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng antok kahit hindi ko pa nga naimumulat ang mga mata ko. Nagbibigay ito ng mainit na sensasyon sa puso ko kaya mas lalo akong kumalma. "What's the update from the issue?" biglang sume

