Napansin kong lampas ng tanghalian na pala akong nagising kaya sobrang pagwewelga na lang ang ginawa ng mga bulate ko sa tiyan ang ginawa. Naghahamok sa sobrang gutom na nararamdaman. Pagkababa ko palang sa first floor ay inutosan ko agad si Jessa na magpapa-ayos ako ng isang guestroom. Kahit na ako pa ang mag-linis basta't magkaroon lang talaga ako ng bagong matutulogan na kwarto. Dahil nakita ko kasing bahagya itong nagtaray sa sinabi ko. Konti na rin makakatikim rin ito ng katarayan ko, sa ngayon wala pa si Shelley kaya pagti-tiyagaan ko muna siya. Pumasok na ako sa dining area at laking pagpapasalamat ko ng makitang may nakahandang pagkain na ang nakalapag sa mahabang mesa. "Good afternoon, Madame," pagbabati sa'kin ng mga maid. Bahagya lang akong tumango at umupo na sa nakasanayan

