Hindi ko alam kung ano dapat ang magiging reply ko sa messages nila kaya mas pinili ko nalang na hayaan nalang iyon lalo na't tinatamad ako kung paano sila pakisamahan. Nagpatugtog lang ako ng classical na music at pagkatapos ay nagpatuloy na sa pagpapahinga. Inubos ko na rin ang natirang wine na nasa wine glass bago nagsalin ulit. Hindi ko napansin na naka-idlip ako, mabuti nalang talaga ay hindi ako nalunod. Hindi ko rin kasi napansin na naubos ko ang isang bote ng wine, sabi ko pa naman na hindi ko ito uubosin. Pero ang ending, naubos ko at tinamaan nito. Nakita ko ang pamumutla na ng mga balat ko sa matagal ng nakababad sa tubig, kumakulobot na rin ang mga palad ko kaya mabilis na akong umalis sa kakababad at mabilisan na ring pagbanlaw sa shower ang ginawa ko. Pagtingin ko sa mal

