Nagsimula na akong galawin ang mga pagkain na nakahanda. Wala pa ring imikan ang nagaganap sa aming dalawa.
Wala rin naman akong maisip na pwedeng pag-usapan kaya mas inabala ko na lamang ang sarili sa mga pagkain.
Habang kumakain ay nakikita ko sa may peripheral vision ko na hindi pa rin siya matigil sa katitingin ng mga papeles.
Halos dumikit na ang pagmumukha niya sa mga papel.
Kumunot ang noo ko habang tinitingnan siya. Kung hindi rin naman siya matigil sa kakatrabaho, edi sana hindi na siya kamo pumunta dito. Doon na lang siya sa opisina niya.
Nakaka-distract pa naman siya ng taong kumakain. Nagmumukha kasi siyang yummy. Ang seryoso kasi ng pagmumukha niya. Tapos ang hunk pa niyang tingnan sa suot niyang kulay puti na long sleeves na nakatupi hanggang bandang siko niya. Mas nadedepina tuloy ang makisig niyang mga braso.
May ilang butones ding hindi maayos ang pagkakalagay kaya may nakikita akong konting balat sa may dibdib niya.
Jusmiyo mahabagin!
Inaakit talaga ako nito, eh. Hindi lang kuno nagpapahalata.
Hindi ko napansin na mas nakatuon na ang atensyon ko sa kaniya habang patuloy pa rin sa pagsubo sa kutsara.
"Are you enjoying your food?" pagtatanong nito sa'kin.
"Yes. I'm enjoying it. It's delicious," wala sa sarili kong sagot.
"How's the taste of your spoon?" bahagyang umangat ang mga gilid ng labi niya at ngumiti siya sa'kin nang nakakaloko.
Mabilis akong natauhan sa katangahan ko at napansin na nanatili na palang nakasubo sa bibig ko 'yong kutsara habang matiim na tinitingnan siya.
I heard someone chuckle pero agad rin namang tumikhim para itago na natatawa ito.
Tiningnan ko ang mga maid na kanina pa palang nakatingin sa kahihiyan na pinaggagawa ko.
Please. Give me a break!
Tumikhim ako at nagpatuloy na sa pagkain. Tila walang nangyari kahit sa kaloob-looban ko ay mangiyak-ngiyak na ako sa walang tigil na nakukuhang kahihiyan sa araw na ito.
Hanggang natapos ako sa pagkain ay hindi ko na ulit sinulyapan ang katabi.
Walang lingon-lingon akong tumayo at mabilis na naglakad palabas ng dining area.
Hindi ko na kaya pang magpanggap na wala lang sa'kin ang nangyari.
Nakita kong nakasunod sa'kin si Shelley kaya agad ko itong hinarap.
"Can you help me tour the house, Shelley?" seryoso kong pagtatanong.
"Yes, madame," mabilis niyang sagot.
Nagsimula kami sa garden kung saan sobrang namangha ako sa mga nakita ko. Ang daming iba't ibang klase ng bulaklak. Halos kumpleto rin 'yong kulay ng rosas kaya naamoy ko talaga ang matamis na halimuyak ng mga ito.
Sa gitna ng hardin ay may malaking fountain. Nagmukhang diamonds 'yong tubig dahil sa sikat ng araw.
Nakita ko rin na marami-raming coins nang naipon sa ilalim ng tubig.
Wishing fountain pa ata ito?
May iba't ibang kulay ng marbles na siyang nagbibigay ng kagandahan dito. May hula pa ako na totoong gemstones ang mga nakikita ko. Mayro'ng ruby, amethyst, sapphire at iba pa.
Kung kumuha kaya ako ng isa? Alam kong malaki ang halaga nito at hindi naman ata halata kung mayro'ng isang mawawala.
Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, baka kumuha talaga ako dito.
Mabilis kong inilipat ang atensyon ko sa ibang bagay. Baka mahuli pa akong may masamang balak sa mga gemstones.
Nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad ni Shelley at tila wala siyang kapaguran sa pag-tour sa akin.
Ang huling napuntahan namin ay 'yong bahaging likuran ng mansion.
May nakita akong daan papunta sa beach. May mga maliliit rin na mga bahay na halatang headquarters ng mga kasambahay o mga tauhan ni Maetel.
Habang papalapit kami sa b****a ng daan papunta ng beach ay may narinig akong usap-usapan mula sa mga kasambahay.
"Ang gwapo ni sir, di ba?" ani ng isang kasambahay na halatang may kagalakan sa tinig.
"Tapos nakakakilig sila ni madame."
"Hindi ko in-expect na may gano'ng ugali si Mr. De Vistal. Jusko, nagharutan ba naman sa harapan natin."
Napamaang ako sa mga narinig ko mula sa kanila. Napahinto pa ako sa paglalakad. Pati na rin si Shelley na tahimik lang na nakasunod sa'kin ay natigilan.
"Ang ganda at ang sexy rin ni madame. Nakita niyo 'yong pananamit niya ngayon?" Tila lumaki ang mga tainga ko sa papuri na naririnig ko ngayon. Pero agad rin namang binawi at gulat ang ipinalit. "Hindi na ako magtataka kung bakit may honeymoon pa ring nagaganap kahit need ng bed rest ni madame."
Sino iyon?
Anong honeymoon na nagaganap? Hindi ba sila nahihiya sa mga pinagsasabi nila? Wala pa ngang honeymoon na nagaganap!
Nanliit ang mga mata ko at binalingan si Shelley na halatang guilty. Dahil siya lang naman ang nakakita at may alam sa mga pangyayari kaninang umaga lang.
Nakita kong nag-peace sign pa siya sa'kin.
Bahagya ko siyang inirapan at nagpatuloy sa pakikinig sa kanila.
"Tsk. Anong maganda do'n? Halatang peke naman ang lahat na iyon."
Mabilis na nagpanting ang tainga ko sa narinig. Pamilyar sa'kin ang boses na iyon. At dahil gusto kong malaman kung kaninong boses iyon ay agad na kumunot ang noo ko nang makita ang nagmamay-ari no'n.
It was Jessa. Iyong kasama ni Shelley sa paghatid sa'kin sa magiging silid ko kahapon.
Hindi ko inaasahan na makakakilala agad ako ng isang two-faced.
"Halatang iyong babae lang ang pilit isinisiksik ang sarili kay sir," pagpapatuloy pa nito.
"Hoy, Jessa! Maghunos-dili ka nga. Baka marinig ka at buhay mo ang kapalit," pagsusuway ng isang kasamabahay sa mataray na boses.
"Totoo naman!"
Wow! Unbelievable. Ang tibay rin pala ng isang ito. Walang kinatatakutan.
I clenched my fist as rage started building up inside me.
Haharapin ko na sana sila nang isang malamig na tinig ang narinig ko sa may bandang likuran ko.
"What are you doing?" walang emosyong tanong ni Mr. De Vistal.
I tried to calm myself at bahagyang inayos ang ekspresyon bago siya harapin.
"Namamasyal lang," pilit akong ngumiti sa kaniya kahit gusto ko nang manabunot ng buhok.
"s**t! Sina sir at madame," tarantang ani ng mga kasambahay. Mabilis ang lakad nila palayo sa amin nang makita kaming dalawa ni Maetel.
Nakita ko pang namumutla si Jessa at balisa na pasulyap-sulyap sa akin.
I was gritting my teeth habang matalim na tinitingnan siya.
Nakita niya atang galit ko siyang tiningnan kaya mas namutla pa siya.
Oh, ba't namumutla agad iyon? Wala pa ngang ginagawa. Nasa'n na 'yong tapang no'n kanina lang? Ang galing mang-insulto kapag wala ako.
Psh.
Umirap ako sa hangin. Tanging tango lang ang isinagot ko kay Shelley nang magpaalam itong aalis na at iwan kami ni Maetel.
"Where do you want to go?" pagtatanong ulit sa'kin ni Maetel.
Halos mapanganga ako nang malaki dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan na siya pa talaga 'yong magtatanong o gumagawa ng paraan para makapagsimula ng conversation.
Parang kanina lang ay parang hangin ako kung tratuhin.
"I just want to look the beach," walang emosyon kong sagot.
Hindi pa rin talaga ako kumakalma kaya ang pangit ng mood ko.
"Let's go?" aniya habang lumalapit siya sa kinatatayuan ko.
"Iyong totoo, nakakain ka ba ng panes?" pagbibiro ko kahit gulat na gulat ako sa inaakto niya ngayon.
"Just go with the flow. I found out that mom sent someone to watch us. Do your role or you'll meet my bullets," malamig nitong bulong sa may tainga ko nang tuluyan na siyang makalapit sa'kin.
Mabilis na nagsipagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa pagkabigla sa banta nito.
Wala man lang pasabi na bubulong siya sa tainga ko. Ramdam ko pa naman ang bawat hinga niya sa tuwing nagsasalita siya malapit sa akin.
"Okay," maiksi kong sagot.
Halos mahigit ko ang hininga ko nang walang warning na hinawakan niya ang kamay ko.
He intertwined our hands. His hand was rough because of the little calluses I could feel from it, but his palm also felt warm.
Wala ako sa sariling nagpatianod sa kaniya nang hilahin niya ako papalapit sa katawan niya.
He snaked his arms around my waist at naglakad na tila hindi big deal iyon para sa kaniya.
Kabaliktaran naman sa'kin. Halos pumutok ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito.
Hindi pa nga ako nakakabawi sa paghawak niya sa kamay ko tapos may paglagay na agad siya ng braso sa baywang ko.
May ilang kakahuyan kaming nadaanan ni Maetel. Sa hindi kalayuan ay narinig ko na agad ang ingay galing sa alon na dumadampi sa dalampasigan.
Muling nagising ang excitement ko kanina lang na nalunod sa sobrang kaba.
Hindi ko na tuloy napigilan pa ang sarili. Hinawakan ko agad ang malaking kamay ni Maetel at bahagya siyang hinila papalapit sa dagat nang makita ko na ang asul na tubig.
Iniwan ko ang suot kong stilettos. Pagkatapos ay binitawan ko ang kamay ni Maetel bago tumakbo papalapit sa dagat.
Ramdam ko ang malamig na hangin at ang init ng buhangin.
Puting-puti ito at halos magmukhang powder sa sobrang pino nito.
Ngayon ko lang ulit naranasan ito. Halos sampung taon na rin ang nakalipas noong huli kong punta sa beach at makapag-enjoy ng ganito.
Malamig ang ihip ng hangin at hindi masyadong masakit sa balat ang sikat ng araw kaya mas lalo akong natuwa. Dahilan kung bakit nakalimutan kong may kasama nga pala ako ngayon.
Mas lumapit ako sa tubig. Tuwing lalapit ang alon ay tumatakbo ako palayo para hindi ako mabasa.
Para akong batang nakawala sa hawla. Tuwang-tuwa kaya hindi mapigilan na mapatawa nang konti.
Ngunit mabilis ring napawi nang maramdaman kong may malalakas na mga bisig na dumampi sa balat ko. Walang kahirap-hirap nitong kinarga ako.
Halos mapatili ako sa sobrang pagkabigla. At mabilis ding napalitan ng sigaw nang na-realize ko ang binabalak nito.