Chapter 8

1573 Words
Malakas na singhap na agad na pinigilan ang gumising sa'kin. Hindi ko na 'ata mabilang kung ilang singhap pa ang maririnig ko. Maaga rin ako nakatulog kagabi kaya medyo light sleeper ako ngayon. Konting ingay lang ay nagigising agad ako. Napansin ko na umaga na dahil sa ilaw na nanggagaling sa malaking glass wall at hindi natakpan ng maayos ng kurtina. Tinignan ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon at nakita ko si Shelley, bakas sa mukha ang gulat at nakatakip ang bibig gamit ang dalawang kamay. I'm not fully awake yet when I starting to feel the damp of sweat on my head . I can feel the sticky from the sweat and a hot breathe on my hollow neck. Wait-what?! A hot breathe on my hollow neck? I feel so horrified when I slowly eating of the realization. Naramdaman kong kumabog ng malakas ang puso ko. Nararamdaman ko na kasi ang init na dumadampi sa leeg ko. At hindi ko na kailangan pang manghula kung ano iyon dahil halata naman sa hugis nito. Marahan ngunit mabigat na hininga ang dumadampi sa leeg ko. Naramdaman ko rin ang mukhang nakalapat. Huli ko na rin napansin ang may kabigatan na braso na nakapalupot sa tiyan ko at nakadantay na binti sa'kin. Maingat kong tinignan ang mapangahasa na yumakap sa'kin. Kahit may kutob na ako kung sino. Pigil hininga ako ng bahagya kong nahalikan ang kaniya ulo na agad kong naamoy yong cool and mint galing sa buhok niya. Halos tila na hiptonismo pa ako sa amoy kung hindi lang talaga biglang binasag ito ni Shelley sa pamamagitan ng mabilis na lumabas ng kwarto. Damn! She left me! Bakit bigla kaming nasa ganitong sitwasyon at posisyon?! Ang huli na naalala ko bago makatulog ay umalis siya ng kwarto. Inaasahan ko rin na hindi niya magagawang matulog sa iisang kama na katabi ako. Pilit kong pinapakalma ang puso ko , baka kasi magising pa siya sa malakas na kabog nito. Lalo nang naramdaman ko na mas lalo niya pang isiniksik sa leeg ko ang mukha niya na masasabi kong dinadampian niya na ng halik. Halos hindi na ako makahinga dahil sa hinigpitan niya pa ang pagyakap sa baywang ko at dahil nakadantay ang binti niya sa'kin, hindi ko maiwasan na maramdaman ang kaibigan niyang nagigising na. Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko. Umiinit na rin ang mga pisnge, tainga at leeg ko. what the? what the!? what the heck?! How to calm down?! I starting to hysterical from the inside. Kagat ko ang ibabang labi habang pilit parin pinapakalma 'yong puso ko na halos lumabas na sa ribcage ko. Nanigas ako bigla ng maramdaman kong napatigil ito sa ginagawa at pagkatapos ay bahagyang nanigas. Walang pagdadalawang isip ay itiningala niya ang mukha niya sa'kin kaya bahagya niyang nahalikan yong jaw line ko. Mabilis siyang bumangon at umakto na tila walang nangyari habang ako ay pilit parin pinapakalma ang sarili. Pumasok siya ng banyo at hindi rin nagtagal ay lumabas rin agad at pagkatapos ay tuloyan ng lumabas ng kwarto. Para namang siya 'yong biktima at mabilis na takasan ako. Bumangon na rin ako sa kama habang sapo ang dibdib. Hindi naman ako mahilig sa kape pero dahil sakaniya magkaka-palpitations pa ako. Napa-buntong hininga na lamang ako sa mga nangyari. 'What a great start for this day?' bulong ko sa hangin habang napa-iling. Pumasok na ako ng banyo para mahimasmasan ng malamig na tubig. Hindi ko kinaya ang bumungad sa'kin ngayon. Nakakapanlaglag ng pant- puso! Medyo tinagalan ko ang pag-ligo at tumigil lang ng maputla na ang mga balat at nangungulubot na ito. Nag-suot lang ako ng puting roba habang mayrong towel na nakalagay sa ulo para mas mabilis na matuyo 'yong buhok ko. Pumasok na ako sa walk in closet at namili na ng damit na susuotin ko ngayong araw. Halos masakal ako sa kakatingin ng mga damit na nakikita ko ngayon. Turtle neck, blouses na may kahabaan ang sleeves nito at itim na slacks or square pants ang nakikita ko. My ghad? Is this for real? Hindi ko inaasahan na ganito 'yong fashion ng totoong Rendyl. Nabasa ko na naman ito sa libro na masyado siyang conservative manamit lalo na't may tinatago siyang malaking pelat pero hindi parin ako makapaniwala. Tinitignan ko lamang 'yong mga damit, feeling ko nasasakal na ang mga balat ko. Kailangan ko talagang bumili ng bagong damit. Mas pinili kong suotin 'yong nakita kong itim na silk lingerie. Iyong top lang ang pinili kong suotin, naka-spaghetti strap kasi, hapit na hapit sa may bandang dibdib ko kaya medyo lumalabas ng sobra 'yong cleavage ko at ito lang talaga ang nakikita ko kahit ilang beses ko pang tignan ang mga damit na meron ako ngayon. Pinaresan ko lang ito ng kulay itim na square pants. Hapit na hapit sa buong katawan ko kaya halos proud talaga ako sa sarili ko dahil sa magandang kinalabasan. May nakita akong kulay itim na stiletto sa mga sapatos na nakahilera at napiling suotin iyon. Mas dumidipina 'yong maputi kong paa na nababahiran ng kulay dugo na nail polish 'yong mga kuko ko. Lumapit na ako sa malaking vanity dito sa silid at umupo. Nakita ko ang repleksyon kong maputla dahil na rin sa galing pag-ligo. Nakita kong may naka-set na skincare na, halatang mamahalin kaya ginamit ko na rin. Kaya pala paulit-ulit na sinasabi ni Maetel sa totoong Rendyl na gusto niya ang balat nito dahil sa makinis at malambot. Nakaka-butas ba naman ng bulsa 'yong mga pang-skin care nito. Marahan kong dinadampian ang mga balat ko. At gustong-gusto ko yong amoy. Ito 'yong klaseng amoy na matagal ko ng hinahanap kaso hindi masyadong nagi-exist 'ata ito. May mint na amoy ito pero naamoy ko parin 'yong sweetness galing sa rosas. Napatigil ako ng ilang segundo sa ginagawa ko ng marinig kong may kumakatok sa pintuan. Nagpakilala naman ito na si Shelley kaya pinapasok ko na rin. "Good morning, Madame. Your breakfast is ready po." magalang na aniya habang nakayuko. Bakas sa mukha ang pagka-ilang kaya mabilis na namula tuloy ako ng maalala ko kung bakit nahihiya siya. 'Ito naman si Shelley. Medyo nakalimutan ko na tapos pina-alala pa.' paninisi ko sakaniya pero sa isip ko lang. Hindi naman ganon kakapal ang mukha ko para sabihan siya ng ganon. "Okay." maiksi ko lang na tugon dahil sa kahihiyan. Pinagpatuloy ko na ang pag-aayos sa sarili ko. Naglagay lang ako ng light make up at naka-ponytail lang 'yong buhok ko. Lumabas na ako sa kwarto at hindi katulad kahapon ay nakasunod ako kay Shelley, ngayon ay siya na 'yong nasa likuran ko. Alam ko na rin naman ang pasikot-sikot dito, I mean ang papuntang dining area pala. Habang nasa loob ng elevator ay nagsisimula ng kumabog ulit ang puso ko. Hindi pa 'ata ako handa na harapin siya pagkatapos ng nakakahiyang eksena kanina sa kama. Bahagya kong pinaypayan ang sarili gamit ang kamay ko ng biglang uminit sa loob ng elevator. Sumagi kasi bigla sa isip ko 'yong panghahalik niya sa'kin kanina. Tila nararamdaman ko pa ang mainit na buga ng hininga niya sa may leeg ko. Wala bang air-conditioning dito? Napansin ko na nakatingin si Shelley sa'kin, tila nagugulohan sa mga pinangga-gawa ko. "Do you also feel it?" awkward kong pagtatanong sakaniya. "Ang alin po?" curious namang tanong nito. "Medyo mainit dito." pahina 'yong tinig ko. "Uhm, ayos lang naman ang temperatura dito, Madame. But don't worry, Madame. I'll call a help to repair this as soon as possible." inosente nitong sagot. Halos matampal ko ang noo ko sa kahihiyan na pinanggagawa ko sa buhay ko. Hindi na ako umimik pa hanggang bumukas na 'yong elevator at lumabas na kami. Habang naglalakad ay patingin-tingin lamang ako sa mga nadadaanan ko. Hindi ko ito masyadong napansin kagabi dahil na rin hindi na wala ako masyadong sa tamang wisyo. Nakikita ko ang naglalakihan na mga painting. Mayro'ng mga skulls na naka-paint, a dark horse at iba pa na halos nagbibigay ng mabigat na ambiance dito sa mansyon. Hula ko kapag nawalan dito ng ilaw, napaka-creepy dito tignan. Kanina ko parin rin napansin na kahit isang litrato ni Maetel o sa parents niya ay wala akong nakita na naka-display. Ang gloomy naman ng atmosphere dito kahit ang dami pang ilaw galing sa mamahalin na chandeliers. Maririnig lamang ang ingay ng takong ko sa sobrang tahimik. Halos takbuhin ko na ang papuntang dining area para mas mabilis akong makarating. Feeling ko kasi na ang layo ng nilalakaran ko at ang bagal ng oras. Ganito talaga 'ata kapag may gusto kang takasan? Pagkarating ko sa tapat ng malaking double doors ng dining area ay mabilis na bumukas ito. Parang royalty naman ang eksena ko dito. Tumambad agad sa'kin ang mataas na lamesa at maraming iba't ibang putahe ng pagkain ang nakalapag. Ang dami naman ito. Parang buong baranggay talaga 'yong pinapakain nito. E' dalawa lang kami dito. Iba talaga kapag walang kakupasan 'yong kayamanan kaya hindi natatakot o magdadalawang isip na mag-aksaya. Nahigit ko ang hininga ko ng makita ko ang pamilyar na likod sa harapan ko. Nakatalikod ito sa may gawi ko habang abala sa mga papeles na hawak nito. Mabilis na lumapit na ako sa hapag-kainan at umupo na ako sa parehong upoan at pwesto ko kagabi. Bahagya kong tinignan ang kasama ko sa hapag-kainan at mula kanina na pagdating ko ay hindi man lang ako tinapunan ng pansin. Hangin 'ata ang role ko ngayong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD