Kulay itim at abo na motif ang tumambad sa'kin pagkarating namin sa dining area.
May kahabaan 'yong table at mamahalin 'yong nakahilera na mga gamit sa paligid. From the utensils to the equipments. Mamahalin at maganda rin ang pagkaukit ng disenyo sa mga upuan at mesa. Sumisigaw na mas mahal pa sa buhay ko.
Sa haba ng table at maraming upuan, baka kasya pa 'yong buong baranggay.
Mayro'ng mga maid na nakatayo sa paligid at nakayuko sa pagpasok namin.
Nakita ko agad 'yong gitna ng mesa na may iba't ibang putahe. Hindi lang sumisigaw sa mamahalin 'yong gamit. Pati rin ang mga pagkain ay halatang isang legendary chef ang nagluto.
Sinusubukan ko pa na manatiling nakatago ang emosyon ko kahit sobrang tuwa at halos maglaway ako sa mga pagkain na nasa harapan ko. Tiyak na masarap iyon lahat.
Umupo sa pinakadulo o reign's chair sa mahabang mesa si Maetel. Habang umupo naman ako sa may right side and one seat apart from him.
Ang mga maids na nakatayo kanina ay marahan na kaming pinagsilbihan. From the drinks to the dishes.
Itinaas ni Maetel ang isang kamay niya na tila humuhudyat na patigilin na sa ginagawa nila.
Feeling royal si kuya. Mayro'ng pagtaas ng kamay.
Tahimik lang kami na kumakain at tanging ingay lang ng kubyertos ang maririnig sa loob ng dining area.
Mas pinili kong kainin 'yong main dish kaysa sa appetizer. Nakalimutan ko pang kumain ng appetizer sa sobrang gutom. Nag-diet kasi ako sa reception, o sa totoo lang tila hindi ko kayang lumunok ng pagkain dahil sa mga mabilis na pangyayari. Marahan kong hinihiwa ng bite-sized 'yong beef steak na nakakain ko lang sa tuwing mayro'ng selebrasyon para sa successful na tinatrabahong palabas. Makaka-afford naman ako pero iba talaga kapag libre.
Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos na namin ang main dish. May ipinalit na dessert sa harapan ko. Halos mapanganga pa ako sa gulat nang makita ko ang kakalapag lang na dessert. Mabuti na lang at mabilis kong naayos ang ekspresyon ko.
What the! Gawa ata sa gold itong dessert na ito.
Ang nasa harapan ko lang naman ay 'yong pinakamahal na dessert sa New York, which is the Frrrozen Haute Chocolate Ice Cream Sundae. It costs somewhere between 12‚000 to 25‚000 dollars. It was also said to be the most expensive dessert in the world last November 2007.
Nakita ko lang ito sa Google noong nagra-random search ako ng kung anong pumasok sa utak ko. I also have a sweet tooth kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit kung saan-saan umaabot 'yong searches ko.
Sa sobrang aliw sa masarap na mga pagkain, hindi ko napansin na mas nauna palang matapos itong kasama ko. Feeling ko isang minuto lang ang lumipas at tapos na siya. Gutom na gutom ata. Pati rin kasi siya, hindi pinansin 'yong handaan kanina. Pero akala ko ba kumain siya kanina nang mag-isa?
"What?" malamig at mayro'ng babala sa tinig niyang ani.
Galit naman agad. Pasalamat nga siya, napansin ko pang may kasama pa ako.
"Nothing," mataray kong sagot at pinagpatuloy ang pagkain sa dessert na pudding.
Napatingin lang ako ulit sa kaniya nang bigla siyang tumayo mula sa kinauupuan niya. Napansin kong hindi man lang niya ginalaw 'yong dessert na nasa harapan niya. Hindi rin nakatakas sa'kin na mayro'ng mga maid na nanginginig sa takot.
And a sudden realization hit me. One fact about Maetel, he really hates sweets. Pero kapag 'yong totoong Rendyl na ang kasama, halos langgamin na sila sa tamis.
Pero kinamumuhian talaga niya 'yong matamis. Especially since he had bad memories about it.
He was kidnapped after getting baited with sweets. Maetel was different when he was still a child. He was a naive but sweet kid. But after the kidnapping incident, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Kasama nito ang pagbabago at pagkawala ng masiyahin na Maetel De Vistal.
Hindi masyadong nasabi 'yong exact details na naranasan ni Maetel pero alam kong sobrang marahas ito. Dahilan kung bakit hindi na ngumingiti 'yong batang bungisngis.
Kaya dapat talagang tinuturuan ang mga bata na 'don't talk to strangers' o h'wag agad abutin 'yong binibigay na pagkain ng mga di nila kilalang tao.
Bigla akong nawalan ng gana. Halos hindi ko na magalaw 'yong kaninang dessert na pinaglalawayan ko dahil sa pagkalunod sa malalim na pag-iisip.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa kinabukasan ko pero gagawin ko ang lahat para mabuhay dito sa mundong ito na masaya at peaceful.
Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos sa isang taon na pagpapanggap ko. Ang hiling ko lang ay sana makalabas ako ng buo pa ang katawan ko.
Konting tiis lang talaga, Mabilis naman 'yong pag-ikot ng oras kaya hindi ako magtatagal sa buhay na ito na puno ng panganib.
Sa dami ba naman ng pwedeng maging character dito ay naging substitute female lead pa. Mabait naman ako sa past life ko pero bakit kinakarma ako ngayon?
Kinakabahan ako para sa buhay ko.
Mabilis akong napasapo sa ulo ko nang makaramdam ako ng pananakit. Naramdaman ko na tila may tumulo na likido sa damit ko. Liyong-liyo ko itong tiningnan at ang bumungad sa'kin ay mapupulang likido.
Narinig ko na lamang na mayroong napasinghap sa gulat. Bago ko pa makita kung sino iyon ay sumalubong na sa'kin ang kadiliman.
NAGISING ako sa isang munting ingay na naririnig ko sa paligid ko.
"She fainted because of exhaustion and overthinking. She just needs a few days of bed rest."
Hindi ko masyadong narinig nang mabuti ang sinasabi nila. Kahit gising na 'yong diwa ko ay hindi ko pa rin magawang gumising dahil sa bigat ng mga talukap ng mga mata ko.
Nararamdaman ko rin ang pananakit ng ulo ko na tila binibiyak ito sa sakit. Papikit-pikit akong bumangon sa kama nang kaya ko nang gumalaw.
Grabe ang bigat ng buong katawan ko. Feeling ko ay kaaway ko ngayon ang gravity.
Sapo ko ang ulo ko habang naghahanap ng maiinom sa may side table.
Aabutin ko na sana 'yong babasagin na baso na may lamang tubig nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Shelley. May bahid ito ng pagkataranta.
"Gising na po si madame," aniya sa may tabi ko.
Napansin ko na nasa silid pala ako ngayon ni Maetel.
Sumalubong agad sa'kin ang apat na pares ng mga mata nang tumingin ito sa kinaroroonan ko. Nakita ko rin ang pamilyar na may katandaan na lalaking doktor. Iyong kumausap sa'kin pagkatapos magkaroon ng malay no'ng incident.
"How are you feeling, madame?" tanong nito sa'kin. May puting buhok at may mga wrinkles na ito sa mukha habang nakasuot ng puti at malinis na roba. Walang pagbabago sa kaniya no'ng huli ko siyang nakita. Maliban na lang rin sa bagong paraan ng pagtawag niya sa'kin.
"I'm feeling better," malat na boses kong sagot. Mabilis na may ibinigay na baso si Shelley sa'kin na mayro'ng laman na maligamgam na tubig.
Pagkatapos kong uminom ay kinuha niya ulit ito. Pagkuwan ay marahan siyang tumayo di kalayuan sa'kin habang naghihintay ng utos.
"That's good to hear, madame. You fainted because of thinking too much. Your brain couldn't handle it since you were also too exhausted‚" marahan at seryosong pagpapaintindi ng doktor kung anong nangyari sa'kin.
"You will need to stay in bed for the next few days. Rest and I will also give you some medicine for your anemia. I found out from your maid that you're anemic," patuloy nito sa pagsasalita.
"Okay. Thank you, doc," maiksing sagot ko. Ipinasok ko talaga sa brain ko ang mga sinasabi ng doktor. Nakuha ko ata 'yong anemia dahil sa kawalan ng tamang pagtulog.
Napansin ko na tahimik na nakamasid sa'kin 'yong grim reaper kong asawa. As usual, nakapukol sa'kin ang malamig at delikado nitong tingin.
Tila may kumiliti sa puso ko nang aksidente kong nasabi sa isip ang salitang 'asawa.' Pero mabilis ko rin itong pinatay at binaon sa kailaliman ng isip ko.
Halos tumayo ang mga balahibo ko sa kilabot na naramdaman.
Mabilis kong inalis ang atensyon sa kaniya at hindi ko mapigilan na makaramdam ng pagkailang. Baka isipin nito na kababaeng tao ko ay hindi ko nagawang alagaan ang sarili ko. Pero malabo rin namang isipin niya 'yon. Iba pa naman ito mag-isip.
Nagpaalam na ang doktor pagkatapos sabihin 'yong dapat at hindi dapat na gawin ko. Marahan akong humiga ulit sa kama nang makaramdam ng pagod. Tila naalarma naman si Shelley dahil sa late niya na akong natulungan.
Well, ayos lang naman dahil kaya ko naman ang sarili ko. Kaya kong humiga mag-isa.
Pero mas nakakagulat lang dahil 'yong akala kong umalis na kasama ng doktor ay nasa tabi ko na agad. I felt his rough hands on my body, his firm biceps, and the warmth of his touch. I could smell his scent dahil sa napalapit na katawan niya sa'kin habang tinutulungan akong marahan at komportable na makahiga.
Anong nakain nito? Nakaapak yata ng dumi ng butiki. Gulat na gulat talaga ako sa ginawa niya. Siya pa naman 'yong hindi ko inaasahan na tutulong.
Pagkatapos kong makahiga ng komportable ay wala itong imik na umalis sa tabi ko. Pero napansin ko ang bahagyang pagtalim ng tingin na ipinukol niya kay Shelley bago walang ingay na lumabas ng kwarto.
Namumutla na lumapit sa'kin si Shelley. Nakuyuko ito at paulit-ulit na humihingi ng tawad dahil huli niya na akong natulungan. Kahit hindi naman big deal sa'kin. Sadyang over reacting lang talaga 'yong lalaki na iyon.
Naramdaman ko ang pamimigat ng mga talukap ko. Gusto ko man magdebate na naman sa sarili ko kung bakit nagawa ni Maetel iyon ay hindi ko na nagawa pa. Dahil mas nanaig 'yong antok kaysa sa tsismis. Nakatulog ako na dala-dala ang kaguluhan ng isip dahil sa inakto ni Maetel.