Tahimik lang akong nakasunod sa likod niya. Malalaki ang hakbang niya kaya medyo nahuhuli ako. Kahit naman long legs ako at kaya ko naman humabol sa lakad niya ay hindi ko ginawa dahil kailangan kong panatilihin ang maayos na posture sa paglalakad kahit buhay ko na ang nakataya. Pagdating namin sa harap ng opisina niya ay binuksan niya ito at pumasok na hindi man lang ako tinignan o maging gentleman para hintayin ako. Hindi na rin naman ako masyadong nag-inarte at pumasok na ako sa loob at ako na rin yong nag-sirado ng pintuan. Gawa sa semento pa 'ata itong pintuan dahil sa kabigatan nito. Hindi ko tuloy napansin na nai-lock ko pa. Taas noo akong humarap sakaniya. Nakita kong wala na yong babaeng kalandian niya kanina at 'yong sekretarya niya. Hinintay kong sabihin niya na umupo ako s

