Tinignan ko ang maliit na monitor na nasa ibabaw ng pintuan ng elevator at lumalabas 'yong numero kung saa'ng floor na kami ngayon. Nakita kong nasa 50 floors pa kami out of 170 floors sa kompanya na ito. Sobrang taas kasi nito at halos buong mundo ko na 'ata ang makikita ko dito. "The D.V Company is the tallest company in the whole world, Madame," pagsasalita ulit ni Jayme. Napansin niya 'ata ang gulat at pagkamangha sa pagmumukha ko. Nakuha rin kasi ang atensyon ko sa labas ng see through na elevator kaya nakikita ko ang mga tanawin sa labas. At habang mas paitaas kami na floors ay mas nakaramdam ako ng pagkalula. Medyo tinuboan ako ng takot dahil baka kapag nabasag ito ay tiyak na hindi na ako humihinga kapag nahulog ako at lumanding sa baba. Pa-simple akong humawak sa isang ha

