Mahigpit kong hinawakan ang tali ng paperbag na nakalapag sa lap ko. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko habang abala parin makipag-debate sa sarili. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko at sinisisi ang sarili kung bakit nagpatalo ako sa mga maid ni Maetel. Mas inabala ko na lamang na tumitingin sa labas, ito rin pala ang unang beses na nakalabas ako sa bahay. Matapos rin kasi ng maikasal ako ni Maetel, ay hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon para makapasyal. Hindi lumalayo sa totoong mundo na pinanggalingan ko ang mundo na ito. Kung hindi ko lang talaga alam na nasa libro ako ay baka mas iisipin ko pa na nasa alternative universe lang ako. Ngunit sa pagkaalam ko rin kasi na iyong time, settings at ibang place ay hamak na gawa lamang sa imahenasyon ng Author. Isa n

