Chapter 11

1605 Words

Pagkatapos ng lahat na kahihiyan na naitamo ko sa harap ni Maetel ay mas pinili kong manatili o sabihing nagkulong sa kwarto. Gusto ko nalang talaga magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan na natamo ko ngayong araw. Simula ng nandito ako ay halatang paborito akong paglaruan at gawin katuwaan ng kung sino man'g nagdala sa'kin dito. Malalim akong napabuntong hininga. Kasulukuyang tamad akong naka-upo sa isang single couch sa harap ng malaking wall glass. At katulad kahapon ay tinitignan ko lamang ang view na nasa labas. Pilit kong pinapakalma ang sarili pero hindi talaga maiwasan na mapapasigaw nalang talaga ako sa kalooban ko sa tuwing naalala ang nangyari kanina. Sa dami ba naman kasi mapanaginipan ay iyon pa talaga. Nakakahiya! Nakita kong mas tumitirik na 'yong sikat ng araw. Tinignan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD