At no’ng nakapasok na ako sa library ay palihim akong napangiti dahil naalala ko ang mukha ni Aldrin habang pinagsasabihan nang kanyang lolo.
“Ana, gising!” ani ko sa sarili, sabay palo ko sa aking ulo.
Sa mga oras na iyon, habang ina-arrange ko ang mga libro sa shelf nito ay bigla ko namang naalala ang nangyari sa aming dalawa no’ng araw na iyon.
"Naaalala kaya ni Aldrin ang nangyari sa amin no’ng time na ‘yon? Bakit sa tuwing magkikita kami ay parang wala lang sa kan’ya?” pabuntong-hinga kong sabi sa sarili.
At habang patuloy ako sa aking pag-arrange nang mga libro, bigla ko namang naisip ang sinabi niya sa akin na "kailangan” ko raw pagsabihan ang aking boyfriend.
"What? si kuya nga ang tinutukoy niyang boyfriend ko?” sabi ko sa sarili.
Naisip ko tuloy no’ng mga sandaling iyon, kung nagagalit ba si Aldrin kay kuya o baka,
"OMG! nagseselos siya sa kuya ko?” ani ko s sarili
Hindi ko alam kung bakit kinikilig ako no’ng time na ‘yon habang patuloy kong ina-aasume na may gusto rin si Aldrin sa akin.
Break time n’on, Friday nang umaga, habang naglalakad ako patungong canteen, ang hindi ko alam ay nandoon pala si kuya Elton naghihintay sa akin dahil dinalhan niya ako nang mango float, Si kuya Elton pala ang panganay namin at si kuya Ethan naman ang pangalawa, sabi kasi basta kambal daw, kung sino ang huling lumabas siya ang panganay at ang ‘yong nauna ang bunso, basta yon-yon kayo na bahala mag isip kung sino sa kanila ang panganay. Basta para sa akin pareho ko silang kuya at pareho kong mahal.
"Bunso” sambit ni kuya sabay taas ng kanang kamay habang iwinawagayway niya ito.
"Masaya kaming kumakain ni kuya, habang nagtatawanan kami ay tinitingnan pala kami nang mga estudyante.
" Guwapo naman pala nang boyfriend ni Miss Sungit”
" Akala ko ba walang magkakagusto sa kan’ya, maganda nga sobra namang sungit!”
"Nakakainggit naman siya ang guwapo nang boyfriend niya.” Pabulong na sabi nang mga estudyante sa Universidad.
Well, maraming beses naman talaga kaming napagkamalan na mag boyfriend- girlfriend kapag magkasama kami nila kuya, dahil siguro paraho kaming mga single at parating magkakasama, kaya hindi na namin binibigyang pansin kapag makarinig kami nang mga ganyang salita.
Habang patuloy kaming kumakain ni kuya ay biglang dumating si Aldrin.
"Ahem, anong oras na oh. wala na ba kayong mga pasok? bakit nandidito pa kayo? Wala ba ang mga professor niyo tingnan niyo ang oras oh! 5 minutes late na kayo niyan! Tapos na ang break time!” pasigaw na sabi ni Aldrin sa loob nang canteen.
Takang-taka ako sa mga oras na iyon, laking gulat ko kung bakit nandoon ang brat na iyon sa loob nang canteen, na usually ay hindi naman siya pumupunta roon dahil meron namang canteen na exclusive na para lang sa mga BOD,CEO at Chairman.
"Hoy Miss A! Wala ka bang relo? Paano tayo matatapos nang lesson nito kung hanggang sa mga oras na ito ay nandito ka pa!” pasigaw niyang sumbat sa akin, sabay tingin nang kanyang relo sa kamay niya.
Habang naka sermon siya sa akin ay biglang nabaling ang kanyang paningin kay Kuya.
“Ahh, kaya naman pala ang sarap nang kain mo rito at nakalimutan ang oras dahil may ka-date ka pala” wika niya habang nakatingin kay Kuya.
" Walang hiyang taong to ah! Hoy! Wala akong pakialam kung anak ka nang may ari nang eskwelahang ito ha! ayos-ayusin mo ugali mo!” paturong sigaw ni kuya kay Aldrin.
" Kuya, huwag mo nang patulan, halika na” pabulong kong sabi kay kuya.
" Sabihin mo nga sa akin! Ito ba ang dahilan kung bakit palagi kang matamlay ha, Ana! Palagi ka bang binu- bully nito?! Ito ba ang dahilan kung bakit sa tuwing umuuwi ka nang bahay ay palagi kang wala sa sarili?!” pasumbat na sabi ni kuya.
At dahil sa pangyayaring iyon, hindi ko na napigilan ang aking mga luha, kaya iniwan ko silang dalawa at tumakbo papalayo sa kanila."
Pagkatapos nang pangyayaring iyon, linggo ang lumipas, hindi na ako nagpahatid-sundo pa kina Kuya dahil ayaw kong may makaaway sila nang dahil lang sa akin.
At si Aldrin naman ay tuwing Lunes, Martes at Biyernes nalang pumapasok sa klase.
Dumating na ang araw ng graduation nila Adrin, at alam ko na after nang graduation niya ay siya na ang magma-manage nang buong university at ang magiging bagong CEO/Chairman dito.
Six months later...
“Panibagong araw, panibagong semester at bagong mukha na naman nang mga estudyante ang aking masisilayan simula sa araw na ito.” Ani ko sa sarili.
Habang busy ang lahat nang mga guro sa office,
"Teachers, ngayong araw na ito gaganapin ang ribbon cutting sa school sabay nang pagsalubong natin kay Mr. Aldrin as our new CEO/ Chairman“ paliwanag ni Miss.M an gaming School Principal.
Sa pagkarinig ko ng pangalan ni Aldrin ay biglang tumibok nang malakas ang aking dibdib.
Mahigit anim na buwan ko nga siyang hindi nakikita, pero sa anim na buwang iyon ay kailan man, hinding-hindi ko siya nakakalimutan, hinding-hindi ko nakakalimutan ang mga araw na nakasama ko siya, lalong-lalo na no’ng mga oras na may nangyari sa aming dalawa, na sa tingin koy kailanma’y hinding-hindi na mabubura sa aking isipan lalo’t-lalo na nang itoy naka-ukit na sa aking puso’t isipan.
Oo, isang katangahan man kong itoy tawagin, pero para sa akin isa itong magandang ala-ala na aking dam’hin hanggang sa aking pagtanda. Isang ala-ala na minsa’y nagpatibok ng aking puso, isang matamis na ala-ala na minsa’y nagmahal ang aking puso.
Masakit mang isipin na sa pangyayaring iyon ay ako lamang mag-isa ang nakaka-alala, Sa anim na buwang hindi namin pagkikita, doon ko lang na realize na I am secretly in-love with him.
”Siya lang ang una at huling lalaking mamahalin nang aking puso" ani ko sa sarili, habang tumutulo ang aking mga luha.
In 3,2,1, Congratulations!
Nakakabinging hiyawan ang iyong maririnig sa playground nang school sa araw na iyon na kung saan ay sini- celebrate at wini- welcome nang buong campus ang pagiging CEO ni Aldrin. Habang pinapanuod ko noon si Aldrin na nakatayo sa may stage, damang-dama ko ang pagiging masayahin niya, ang dating parang isip-bata noon ay nagiging mas mature nang tingnan at mas lalong gumuwapo na ngayon, kumpara noong naging estudyante ko pa siya.
Habang tinititigan ko siya, hindi ko namamalayan na nagkatinginan na pala kami, kaya dali-dali ko namang iniwas ang aking paningin sa kan’ya.
Uwi-an na nang biglang may ina-nounce ng aming school principal.
"Attention! Teacher Ana please report to the Principals office now!” sabi niya
At sa pagkarinig ko nang aking pangalan bigla akong kinabahan, kaya nagmamadali akong pumunta sa principal office.
At nang binuksan ko ang pinto, bumungad sa aking harapan ang napaka-guwapong mukha ni aldrin.
"Sir? “pautal-utal kong sabi
Habang tinititigan ko siya unti-unti naman siyang lumalapit sa akin.
"Ah sir, pinapunta po ako ni Miss M.dito" sabi ko.
“Alam ko, dahil ako nagpapunta sayo rito!” seryosong wika niya
“Kumusta ka na? Tagal din nating hindi nagkikita, kumusta na kayo ng Boyfriend mo?.”Aniya.
Takang-taka ako sa mga oras na iyon habang tinatanong niya ako tungkol sa boyfriend ko!” sabi ko sa sarili. “Sarap sapakin ng lalaking ito” ani ko sa sarili.
"Sino po ba ang tinutukoy niyong boyfriend ko?” pasimple kong tanong
“Wow hanep mo rin ah! Ibig mo bang sabihin simula no’ng hindi tayo nagkita marami ka ng naging boyfriend?” patawa at seryoso niyang tanong.
"Sapakin ko na kaya ito at nang matauhan!” pabulong kong muli sa sarili.
Habang tinatanong niya ako sa mga oras na iyon, ay mas lalo pa niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.
At sa pagkakataong iyon, simula noong magkausap kami nang malapitan, doon ko lamang nakita ang mukha niya na napaka seryosong nagtatanong.
“Gusto mo bang ipaalala ko sayo kung sinong boyfriend mo ang tinutukoy ko, ha? ‘yong boyfriend mo na nagtanggol sa’yo noon sa canteen na nagsabing, "bakit ang tamlay-tamlay mo raw pagdating mo sa bahay nyo" ah, hindi, parang mas maganda yatang gamitin ang husband instead of boyfriend. Uulitin ko lang ang tanong ha, kumusta na kayo nang husband mo?” tanong niya.
Habang patuloy niya akong inaasar ay hindi ko namalayan na nasampal ko na pala siya.
"Saan ba nanggagaling ‘yang kabastusan mo ha! Ba't ba palagi mo nalang akong ginaganito! Hindi mo ba alam na habang binabastos mo ako, ay mas lalo mo lang akong sinasaktan?! Tanggap ko naman ang pambabastos mo sa akin eh! Pero sana naman, paki-usap ko sa’yo na kahit kaunting respeto man lang para sa mga kuya ko!, tanggap ko naman na bastusin mo ako eh, kahit pa bastusin mo’ko sa harap nang maraming tao! Tatanggapin ko iyon! huwag lang sa harap nang mga kuya ko!” pasigaw kong sambit sa kan’ya,sabay hampas ko sa may dibdib niya.
At habang umiiyak ako ay laking gulat ko nang bigla niyang hinatak ang bewang ko, dahil bigla na naman niyang hinalikan ang labi ko.
Habang magkadikit ang aming mga labi, ramdam na ramdam ko ang pagtibok nang kanyang dibdib na no’oy akala ko ay sa akin nanggagaling.
At pagkatapos noon ay niyakap niya ako nang mahigpit na mahigpit.
Kinabukasan, pinapunta ako sa Chairman’s office, At nang nakapasok na ako sa kanyang opisina,
“Oh Miss A, upo ka.” pa smile niyang alok sa akin.
Matangkad, gwapo, moreno at matipuno, ilan sa mga katangi-ang panlabas ni Aldrin.
“Miss A, simula ngayong araw na ito hindi ka na magtuturo rito,” wika niya.
" Ano?! Kahapon lang maayos naman tayo ah! Ba’t ngayon bigla ka namang nagbago! At anong rason mo para tanggalin mo ako rito sa school, ha?!” padabog at pasigaw kong sumbat sa kan’ya sabay pukpok ko nang table niya, at dahil sa galit ko halos mangiyak-ngiyak na ako.
“Ano ba pinagsasabi mo d’yan.” pangiting sabi niya, sabay tayo mula sa kan’yang kina-uupuan at dahan-dahang lumapit sa akin, at nung magkaharap na kami ay kinuha niya mga kamay ko.
“Miss A, puwedi bang patapusin mo muna ako, ‘yong sinabi ko kanina, hindi ibig sabihin no’n ay tinanggal na kita dito. Hindi kana magtuturo, dahil simula ngayon dito ka na sa office magta-trabaho. Nakita mo ba ‘yong table na nasa kaliwa mo? Iyan ang magiging table mo rito. Simula sa araw na ito ikaw na ang magiging Personal Secretary ko. Hindi lang dito sa school pati na rin sa lahat nang kompanya ko.” mahinahon niyang paliwanag sa akin.
Pangalawang araw ko as a Personal Secretary, na siya namang unang araw nang pagbukas nang kanilang bagong open na hotel malapit sa resort na kung saan ay una kaming naghaharutan, the place where I accidentally lost my mind, my soul and my virginity. Pangyayari na tanging ako lamang ang nakaka-alala.
Habang pinapasyal namin ang buong hotel, kasama ang ibang mga Board of Directors at Managers nang ibat-ibang department ay mas lalo akong napahanga kay Aldrin. Habang naglalakad kami ay ini- explain naman ni Aldrin sa lahat ang bago nitong mga rules and regulations at iba pang mga matters regarding the hotel safety's and protections.
Habang tinititigan ko pala si Aldrin no’ng time na Iyon ang hindi ko alam ay napapansin niya rin pala ito, kaya no’ng kami nalang dalawa ang naiwan sa loob nang conference room ay bigla siyang lumapit sa akin.
“Miss A, may dala ka bang salamin diyan?” sabi niya
"Po? meron po. Pero salamin po ng foundation ko, Ito po sir.’ Ani ko sa kanya,
“Wala namang dumi ang mukha ko, malinis naman ah.. Tingnan mo nga ulit Ms.A” sabi niya.
Agad ko namang inilapit ang mukha ko sa mukha niya at nang tiningnan ko, bigla na naman niya akong hinalikan.
“Kitang-kita ko mga titig mo sa akin kanina habang nilalakad natin ang buong hotel” pabulong niyang sabi sa akin.
“Crush mo’ko ano?” pangiting tanong niya.
"Ano ba pinagsasabi mo d’yan!” ani ko, sabay tulak ko sana sa kanya, pero bigla niya akong hinatak ulit papalapit sa kanya.
Habang nakatitig si Aldrin sa akin ay pa-simple niyang hinahaplos-haplos ang ulo ko.
“Ana, alam kong marami akong kasalanan sayo, sorry kung naging pabigat ako dito” wika niya, sabay turo niya sa may dibdib ko. “Pero nagpasalamat pa rin ako sa’yo dahil nandiyan ka pa rin palagi sa tabi ko,hindi mo ako iniwan, alam mo ba na matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito,? Ang makita kang muli at makasama, alam mo bang miss na miss na kita? Alam kong maraming pagkakataon ang nasayang ko, kaya no’ng nalaman ko na kapatid mo pala si Elton alam mo bang tuwang-tuwa ako.?” Paliwanag niya.
Habang pinapaliwanag niya sa akin ang lahat ay nagtataka ako kung bakit alam niya ang pangalan nang kuya ko, kaya no’ng tinanong ko siya kung bakit,
“Magka-barkada kasi kami ni Ethan, ang alam ko lang sa kan’ya ay may kakambal siya at hindi sila magkamukha. Kaya no’ng time na inimbita ko siya sa resort dahil nagpatulong ako sa kan’ya na maghanap nang Architect Designer,sinabi niya sa akin na ere-recommend niya ang kakambal niya. Kaya no’ng pinakita niya sa akin ang picture, laking gulat ko nang makita ito, kaya nagtaka ako kung bakit nandoon ka rin sa picture na’yon. Kaya no’ng time na nagkaharap na kaming tatlo sinabi na nila sa akin na magkakapatid kayo.” pangiting paliwanag niya sa akin.
At habang sinusolo namin ang katahimikan nang buong conference room ay bigla kong naisip si Kaye, ang kanyang fiancee, kaya hindi ako nagdalawang isip na tanungin siya.
“Pero paano po ang fiancee niyo Sir?”
“Sinong fiancee? Ang mukhang ito may fiancee?,at saan mo naman nakuha ang balitang iyan ha?” pahalakhak niyang tanong.
“Si Kaye ba ang tinutukoy mo? Naaalala mo ba ‘yong time na pumunta tayo sa resort kasama mga kaibaigan ko.? Buntong-hinga niyang wika, habang papalapit sa may bintana nang conference room na nakaharap sa isang isla. ‘yon sana ang time na magpo- propose ako sa kan’ya, pero hindi siya sumipot., at iyon din ang dahilan nang sugat na nakita mo sa kamao ko. Dahil sa sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ‘yon kaya aksidente kong nasuntok ang salamin nang sasakyan” malungkot na boses na paliwanag ni Aldrin.
"Paanong hindi ko maaalala ang mga nangyayari sa mga panahong iyon, na sa buong buhay ko na ring dadalhin..” payuko at pabulong kong sabi sa aking sarili.
Habang nakayuko ako, hindi ko namamalayan na nakatingin pala si Aldrin sa akin, kung kaya pansin niya ang biglaang paglungkot nang aking mukha, dahilan nang kanyang paglapit sa akin.
“Miss A, Ayos ka lang ba?” tanong niya habang inaangat niya ang aking mukha.
At habang nakatitig ako sa kan’ya, biglang sumagi sa isip ko ang mga katanungan na matagal ko na ring gustong itanong sa kan’ya.
“Ako kaya? Mayroong halaga rin kaya ako sa’yo? Naaalala mo rin ba ang time na minsa'y tayo lang dalawa ang magkasama? Naaalala mo rin ba ang mga oras na minsan nating pinagsaluhan? or ako lang ba ang nakakaalala nang lahat nang iyon, siguro oo, dahil ako lang naman ang tanging nagmamahal sa’yo” ani ko sa sarili
Habang tinatanong at binabanggit nang aking sarili ang mga katagang iyon, hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha, dahilan naman nang biglaang pagyakap niya sa akin.
“Miss A,” wika niya habang nakatingin sa aking mga mata, “Bakit bigla kang nawala no’ng araw na iyon ha?” seryosong tanong niya.
"Po? Iniwan po saan?” sagot ko
“Miss A.naman! Wala ka bang naaalala sa atin? Tapatin mo nga ako! Ano ba ako sa’yo? Oo! lasing ako no’ng time na ‘yon, pero no’ng oras na mayro’ng nangyari sa ating dalawa, tandang-tanda ko pa ang lahat! Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko no’ng nalaman kong pagbalik ko sa room ay wala kana doon,ha!!? Alam mo bang halos mabaliw ako no’ng time na ‘yon dahil iniwan mo ako ng walang paalam!” pasigaw at paiyak niyang sabi sa akin. ”At hindi lang ‘yon! mas lalo mo pa akong ginalit no’ng nakita kita na mayroon ng naghahatid-sundo sayo sa school, kaya sabihin mo sa akin ngayon kung ano ako sa’yo!”mangiyak-ngiyak niyang sabi.
Habang nagsisigaw si Aldrin, hindi ko maipagkait sa aking sarili na kahit papaano ay naibsan ang sakit at lungkot na aking nararamdaman sa mga oras na iyon, na kahit papaano ay nabigyan nang kasagutan ang aking mga katanungan, kaya sa halip na sagutin ko ang mga tanong niya, binigyan ko nalang ito ng isang matatamis na halik sa kanyang labi, bilang tugon sa kanyang mga tanong.
“Ana, anong ibig sabihin nang mga halik na ’yon?” gulat niyang tanong sa akin.
" Bakit?..tinatanong ba kita kung ikaw ‘yong biglang hahalik sa akin,ha?” ani ko.
Dahil sa pangyayaring iyon, parehong naliwanagan ang aming mga isipan, at nalaman namin na pareho at iisa lang pala ang tinitibok nang aming mga puso.
Pauwi na kami ni Aldrin at inalok niya akong ihatid na ako sa aking pag-uwi, at dahil magkakilala naman sila nang aking mga kuya ay pumayag na ako.
Pagdating namin sa bahay,
“Oh bunso! tamang-tama pagdating mo ah, halika at sabay na tayong maghapunan.” Ani kuya Ethan.
"Kuya, nay, tay may kasama po ako” sabi ko sa kanila, sabay din nang pagpasok ni Aldrin.
“Oi Pare!” sabi ni kuya Ethan, sabay lapit ni kuya sa kanya at sabay tapik nang mga balikat nila.
“Kumusta? Buti at napadalaw ka, halika, tuloy ka, tamang-tama masarap hapunan namin ngayon, naaalala mo ba ‘yong ulam na palagi mong ninanakaw sa akin noon sa boarding house, nandito ang ulam na ‘yon!”pahalakhak niyang sabi.
“Nay,tay! Siya po ang kinukuwento ko sa inyo na kasama ko sa boarding house na nagnanakaw nang mga ulam na pinapadala niyo sa akin” pahalakhak na sabi ni Kuya Ethan.
Habang binibiro ni kuya si Aldrin, ay pansin ko ang pamumula ng pisngi niya dahil sa hiya, buti nalang at inawat ni nanay si kuya, si kuya Ethan kasi ay iba ang ugali kaysa kay kuya Elton, si kuya Ethan ang palabiro at masayahin palagi, samantalang si kuya Elton naman ay sobrang seryoso.
“Oh Ethan, mamaya kana magbiro ha, nagugutom na ang bisita ni bunso” wika ni nanay.
At habang kumakain kami ay biglang napatanong si tatay.
" Siya nga pala iho, ano nga uli ang pangalan mo? ay tama naalala ko na, ikaw si Edrian diba?” ani tatay.
"Aldrin po itay.” Sagot ko naman.
“Magkakilala rin pala kayo nitong Prinsesa namin, magkasama ba kayo sa trabaho? Alam mo bang napaka swerte mo dahil ikaw pa ang lalaking nakaakyat sa bahay na’to na kasama nitong si Ana.” Pangiting sabi ni tatay.
Habang nagkukuwento si tatay ay bigla akong nabila-okan.
"Tay, nakakahiya po sa bisita natin, at saka hindi ko po siya katrabaho, siya po may-ari nang school na pinagtatrabahuan ko.” Wika ko.
“At siya rin po ang may ari nang hotel na dini-design ko tay” wika ni kuya Elton.
-ipagpapatuloy-