KABANATA 4: THE SHATTER OF MY TEARS

1409 Words
Habang patuloy kami sa aming hapunan, ay dama ko ang lungkot sa mukha ni Aldrin. Naibsan lang iyon nang bigla nanamang nagkuwento si kuya Ethan sa kanilang karanasan noong sila ay nag-aaral pa. Magka-klase pala sina Kuya Ethan at Aldrin noon at pareho ring Accountancy ang kanilang kinuha, kaya sa tuwing matapos ang kanilang klase ay sumasama itong si Aldrin sa boardinghouse ni kuya para lamang daw kumain sa mga ulam na luto ni nanay na para sana kay kuya. (hays...) Pero hanggang second year lang silang magka-klase dahil si Aldrin ay pinalipat ng kan'yang Lolo sa Amerika at doon na nagpatuloy, pero sa kursong Entrepreneurship. Alam niyo ba 'Nay, 'Tay itong si Aldrin ang nag-iisang campus crush sa school namin noon, lahat ng babae sa kaniya lang nakatingin noon. At syempre dahil palagi kaming magkasama noon kalahati ng population ng mga babae roon ay sa akin na nabaling mga attention nila!" Pabirong kwento ni kuya Ethan sabay halakhak. Doon ko lang nakita si Aldrin na nakatawa ng napakalakas, kahit namumula na ang kan'yang mukha at maluha-luha na sa pagtawa ay mas lalo pang lumabas ang kan'yang kaguwapohan. "Ang sabihin mo anak kaya ka pinagtitinginan ng mga babae noon hindi dahil sa nabaling ang mga atraksyon nila sayo, alam mo kung bakit? Gusto nila na umalis ka sa tabi ni Aldrin dahil distraction ka sa mga paningin nila." Pabirong sabi ni nanay. " Oy, si Nanay, parang kinikilig oh! Bakit 'Nay ganyan ka rin ba kay Tatay noon? Pabalang na tanong ni kuya Ethan kay Nanay. " Alam mo kasi tol, itong si Nanay (sabay akbay ni kuya Ethan kay Nanay) hindi 'yan nakaranas na magka-crush sa iba dahil tanging si tatay lang ang mahal niyan simula high school pa sila." Wika niya. Habang nagbibiruan sila, hindi na rin nagpahuli si Tatay. "Alam niyo kasi mga anak, noong kapanahunan pa namin, lalong-lalo na roon sa lugar namin wala ka talagang makikitang magagandang babae bukod lamang dito sa nanay ninyo,eh syempre!anak ito nang Lolo ninyo eh! (ama ni Tatay ang tinutukoy niya), matapang! Kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa sinunggaban ko na agad! Habang naglalakad si nanay ninyo sa may Plaza noon tapos nagkataon din na maraming tao at nandoon din angTatay niya, syempre nilapitan ko siya agad at inakbayan ko na!  Kaya no'ng nakita kami nang Tatay at mga Tito niya,kinabukasan pinakasal nila agad kami!  Ito rin palang si Nanay niyo may crush din pala sa akin no'n kaya noong sinabi nila na magpakasal na kami, eh hindi na siya tumutol pa!"  Pangiting kuwento niya. (Hay nako si Tatay, at proud pa sa ginawa niya, Buti nalang at crush din siya ni Nanay, kung hindi? kawawa itong si nanay, hays) Pagkatapos nang masasayang kuwentuhan at masasarap na hapunan ay agad nang nagpaalam ni Aldrin, hinatid ko na siya palabas papunta sa kanyang sasakyan. "Miss A, salamat sa pag-imbita" pa-smile niyang sabi sabay hawak sa aking ulo. "Sige na, bumalik kana sa loob." Aniya. "O bunso, nakaalis na ba si Aldrin? Alam mo ba na ang taong iyon, no'ng hindi pa kami magkakilala ang akala ko mayabang siya, campus crush nga di ba tapos ang famous pa nang family niya" pa-umpisang kuwento ni kuya, at dahil intrisado ako sa buhay ni aldrin agad naman akong umupo sa may mesa. "Doon ko hinangaan ang pagkatao niya nang nasaksihan ng dalawang mata ko ang pagtulong niya sa isang Teacher, doon sa school namin." Patuloy na kuwento niya. "Mayroon kasing isang bagong Teacher noon na binabastos ng kan'yang mga estudyante habang ito'y nagtuturo na katabi rin ng classroom namin, dahil abot sa kabilang mga room ang hiyawan ng mga estudyante, alam mo ba kung ano ang ginawa ni Adlrin? Lumabas siya ng room namin at pinuntahan niya"  Halakhak na sambit ni kuya. "At syempre, sinundan namin siya, kaya laking gulat namin lahat sa ginawa niya, ang akala ko nga noon pagsusuntukin niya mga estudyante eh, pero ang ginawa niya, tinanggal niya ang  Jacket niya tapos pinasuot  doon sa nakakaawang guro at inakbayan niya ito palabas ng room, nagkataon din na dumating 'yong guard kaya kinuha ni Aldrin ang padlock mula sa guard at kinandaduhan ang room at naiwan ang mga estudyante sa loob.  At no'ng paalis na sana sina Aldrin, sinabi niya sa lahat na mga estudyanteng nakatingin sa kaniya na 'KUNG SINO MAN SA INYO ANG MAGBUKAS NG ROOM NA ITO AY IPAPASOK KO DIYAN SA LOOB!'" Pangiting wika niya. Pagkatapos kung narinig ang lahat ng iyon kay kuya ay biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso, t***k na dala nang sobrang kasiyahan sa kadahilanang mayroon din palang good-side sa pagkatao ni Aldrin. At habang patuloy sa pagkukuwento si kuya ay bigla niyang natanong sa akin, "Siya nga pala bunso, bakit nga pala kayo magkasama ni Aldrin?  Close ba kayo? Alam mo bang walang babae ang sinasama niya lalong-lalo na sa public. Kahit nga girlfriend no'n 'yong si Kaye, hindi nga pinapasakay ni Aldrin sa kotse niya. Magkasama lang siguro sila ni Kaye pag mayroong BOD meeting ng kanilang kompanya. Isa kasi 'yan si Kaye sa mga BOD ng kompanya nila Aldrin. At sa pagkakaalam ko, ayon sa tsismis-tsismis ng mga kakilala ko roon sa hotel na dinide-design ni kambal hindi pa raw nahalikan ni kaye si Aldrin." Pabulong na sabi ni kuya sa akin. (hays...kuya napaka tsismoso mo talaga) Kaya laking gulat ko nalang ng sabihin sa akin iyon ni kuya. "Personal Secretary kasi niya ako kuya kaya kami magkasama. At saka galing din kami sa bagong bukas na hotel nila. Kaya no'ng pag-uwi namin dahil nga gabi na hinatid nalang niya ako." Ani ko. "Hindi ka na nagtuturo?" Tanong niya. " Hindi na po, pero sa Sachool pa rin naman ako nag o-office, kaya first day ko ngayon as a Personal Secretary niya" Ani ko. " Ganoon ba? Teka, pansin ko kay Aldrin habang kumakain siya kanina, bakit ang dami yata niyang naubos na kanin"  seryosong wika niya. " Hay nako kuya, ewan ko sa iyo! Pati ba naman 'yong pagkain ni Aldrin binabantayan mo! Syempre gutom siguro 'yong tao kaya napasarap sa kain, at saka di ba sabi mo paborito niya ang mga ulam na niluluto ni nanay?" Padabog kong sabi. "Hindi naman iyon ang ibig kung sabihin bunso, at saka pa'no naging gutom 'yon, eh Birthday niya nngayon. Teka, huwag mo sabihing wala na namang handaan kanina sa hotel nila? Hays, kawawang Aldrin" buntong-hingang sabi ni kuya. "Kaya ayaw kong maging mayaman eh, kapag mayaman ka kasi, lahat nalang na mangyayari sa buhay mo kahit na marami pang panahon ang lilipas sinasadya man o aksidente magiging bangungot talaga iyan at habang buhay mong dalhin, kawawang Aldrin" malungkot na boses na sabi ni kuya. "Sandali nga kuya! Ano ba ang ibig mong sabihin? Ani ko. "Personal Secretary ka tapos hindi mo alam ang talambuhay ng boss mo?"  Tukso ni Kuya. "21st birthday kasi noon ni Aldrin, imbitado kami lahat ng mga kaibigan niya at habang sini- celebrate namin ang Birthday niya. Dumating ang Mommy niya kasama ang kaniyang Lolo. Ina- announce noon ng Mommy ni Aldrin ang regalo nito na free ticket papuntang US para roon na mag aral at mayroon pa ngang kasamang ownership nang Condo niya sa US at nakapangalan kay Aldrin. Kaya no'ng pagka rinig ni Aldrin, nagalit siya dahil hindi niya gustong mag-aral sa US. Bigla nalang siyang umalis at pinaharurot ang kotse niya, kaya hinabol siya ng Mommy niya. Laking gulat nalang namin lahat dahil  kinabukasan nabalitaan namin na nasa hospital na ang mommy niya, hanggang ngayon naka- confine pa rin sa hospital hindi pa rin gumigising. Kaya simula noon, tuwing birthday niya, sa halip na mag-celebrate siya, Do'n siya pumupunta sa hospital sa mommy niya, dahil hanggang ngayon sarili pa rin niya ang sinisisi sa nangyari sa mommy niya. "Sa pagkarinig ko ng mga iyon kay Kuya ay bigla akong nakaramdam nang awa kay Aldrin, kaya kinuha ko ang address at pangalan nang hospital na kung saan nandoon ang Mommy ni Aldrin. " At habang minamaniho ko ang daan patungong hospital, hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha. Hindi maalis sa isipan ko ang mga kuwento ni Kuya Ethan, at ramdam ko ang labis na pagkaawa kay Aldrin. " Kaya pala kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni Aldrin kahit na nakangiti pa siya" pabuntong-hinga ko sa aking sarili habang patuloy sa pagtulo ang aking mga luha. (Ipagpapatuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD