Napatigil si Rita sa akma sanang pag-inom ng gatas, nang marinig na tumunog ang door bell. Kunot noo na ibinalik niya ang hawak na baso ng gatas sa ibabaw ng mesa. Wala naman siyang ini-expect na bisita ng araw na iyon, at lalong hindi rin makakapunta ang kaibigan niya na si Charlotte, dahil ang sabi nito, ay magiging abala ito sa thesis. Tumayo siya at mabilis na lumakad patungo sa pinto, nang muling mag-buzzer, ang tao na nasa labas ng pinto. Sino naman kaya 'tong bisita na 'to, Inip na inip? hindi makapaghintay? Grabe, ah! Reklamo niya sa tao sa labas ng pinto, na waring gusto na yatang siraan ang door bell sa unit ng lalaki. Kaagad niya na pinihit pabukas ang seradura ng pinto. Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla, matapos bumulaga sa kanya ang pigura ng kinaiinisan niya na baba

