Hanggang sa makarating si Arman sa opisina nito ay naging balisa ito sa kakaisip sa binitawan na salita ni Rita. Hindi niya alam ang gagawin niya, sa oras na may nagugustuhan nga na ibang lalaki ang dalaga na kaedaran lang nito. Paano na siya? ano ang gagawin niya? f**k! Frustrated siya na bumuntong hininga dala ng bigat na nararamdam. And he found himself dialing the number of his best friend Roldan. "Hello, napatawag ka yata? ano'ng meron?" anang kaibigan nito na si Roldan matapos sagutin ang tawag niya. "Bakit may masama ba kung tawagan kita? Ikaw nga noon, halos minu-minuto mo akong tinatawagan nagreklamo ba ako sa 'yo? por que masaya at busy ka na sa pamilya mo, basta kinalimutan mo na lang na ako, ah," nasa tinig nito ang pagtatampo sa kaibigan. Noon ito ang nangangailangan ng sh

