"Ano Rita, sabay ka sa amin pauwi? or susunduin ka ni Sir, pogi?" tanong ng kaibigan nito sa kanya. "Ah, baka hindi na ako ma sundo ni Sir, sige sabay na ako sa inyo" sagot niya at pilit pa na ngumiti sa kaibigan. Dati-rati naman kasi ay 2; pm pa lang ay nagmemessage o 'di naman kaya ay tawag ang lalaki sa kanya, kung masusundo ba siya nito, o hindi. Iyon pa lang ang kauna-unahan beses na hindi ginawa ng lalaki ang bagay na iyon simula ng pumasok siya sa universidad na pinapasukan niya. Palihim siya na bumuntong hininga, at pilit na itinanim sa isip na baka busy lang ito, at isa pa hindi rin naman nito obligasyon na ihatid-sundo siya sa school 'di ba? so, kere lang. May paa naman siya at kaya niyang mag commute pa uwi "Uy, friend, 'wag ka nang malungkot. Joke, joke ko lang naman 'yung si

