Kinaumagahan ay kung gaano kasaya ni Arman, na halos hindi ma pugto ang ngiti sa mga labi, dahil nakahalik ito sa dalaga. Samantalang sa kabilang banda naman ay ang hindi maipinta na mukha ni Rita, sa sobrang yamot sa lalaki nang marinig ang malambing na endearment na iyon mula sa bibig ni Arman. May pa I love you, I love you, baby ka pang lintik ka! May bahid ng pangigigil niya na sinara ang zipper ng bag at isinukbit iyon sa likod. Ngayon ay malinaw na sa kanya, may nagugustuhan ng ibang babae na naman si Arman, and malay ba niya kung pumapasok ito sa hotel kasama ang baby na tinutukoy nito. Mas kumulo ang dugo niya sa pumasok na idiya sa isip niya, pero hindi malayo na mangyari ang bagay na iyon, at batid niya ang bagay na iyon, tama ang kaibigan niya, Mabait naman si Ruben, ang kak

