Habang lulan ang tatlo sa kotse ni Drake pa punta sa opisina ni Arman, naging pulutan si Roldan sa kulitan nina Drake and Jake. Sa kanilang tatlo kasi ay natatanging si Roldan ang walang dalang baril. Dahil hindi raw ito marunong gumagamit ng bagay na iyon. At ayaw nito ng may baril sa loob ng bahay nito dahil baka matakot lang ang asawa niya, and worst ay mapaglaruan pa ng mga malilikot na mga anak niya. "Just in case na may mangyaring hindi maganda, paano mo poproteksyonan ang pamilya mo kung wala kang baril sa tabi mo?" seryosong tanong ni Drake kay Roldan habang nakapokus ito sa pagmamaneho ng sasakyan. "Hindi naman ako lapitin sa pakikipagbasag-ulo kaya walang manggugulo sa pamilya ko, at hindi ko rin kailangan ang bagay na 'yan," sagot ni Roldan sa tanong ni Drake. "Pre, iba na

