Chapter 85

1187 Words

“She’s calling again?” tanong ni Lhadychin kay Maureen, matapos makipag-usap kay Rita. “Oo,” tipid na sagot niya rito. At puno ng pagsisisi na tumitig sa screen ng cellphone ni Arman. Gusto niya na sisihin ang sarili niya sa nangyari sa boss niya. Kung naging matapang lang sana siya at nagtapat kaagad kay Arman, ‘di sana’y wala ito sa kapahamakan ngayon sa malupit mga kamay ni Mr. Sandoval. Gustuhin man niya na itama ang pagkakamali niya ay huli na ang lahat. Hawak na ng mga ito ang boss niya. At kung may masamang mangyari kay Arman ay walang ibang dapat sisihin kung hindi siya. Wala silang hawak na solid evidence na makapagtuturo na si Mr. Sandoval ang nasa likod ng pagkawala ni Arman. Nagdadalawang isip rin sila na mag-report sa awtoridad dahil may koneksyon si Sandoval sa mga police.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD