Parang isang binatilyo na kinikilig si Arman habang nakahiga sa kama nito at tinititigan ang mga litrato ni Rita na senend sa kanya ng may ari ng flower shop na pinag-orderan nito ng mga bulaklak para sa dalagang si Rita. Pinagkatitigan ni Arman ang nakangiting mukha ni Rita sa litrato, at itinapat niya ang labi screen ng phone. Para siyang tanga na ultimo sa picture ay kilig na kilig siya, gusto niyang batukan ang sarili niya. Kung kalian naman umidad siya ng trentay sinko saka naman siya natutong kiligin ng ganoon. Pero anong magagawa niya eh, tinamaan talaga siya kay Rita. Kagabi ay kasama niya ang mga kaibigan niya sa bar, sinubukan niya na ibaling sa ibang babae ang nararamdaman kay Rita. Kaya nagawa niya na sumubok na makipaglaro sa mga babae na kaedaran lang ng dalaga. Ang kaso kah

