Natulala si Rita sa pera na nakapatong sa ibabaw ng kama niya. Hindi naman niya ini-expect na tototohanin ni Arman ang sinabi nito na bibilhin ang lahat ng tsokolate na binibenta niya. Nagtataka siya kung bakit twenty seven thousand ang halaga na binigay sa kanya ni Arman. Marahil ay nagkataon lang na same amount ang halaga ng mga tsokolate na iyon sa resibo, at ang cash na binayad sa kanya ni Arman. Iniisip niya na paano na laman ni Arman ang kabuuang halaga ng mga iyon. O, siguro ay talagang nagkataon lang na halos same amount ang calculation ni Arman sa halaga ng mga chocolates kanina. Ayaw naman niya na mag mukhang pera. Kaya bukas na bukas rin ay ibabalik niya ang kalahati sa binayad ng lalaki sa kanya. Mahirap nga sila. Pero kabilin-nilinan ng lola niya na paliging lumaban ng patas

