Sa loob ng tatlong lingo na walang pugto na nagpapadala si Arman ng bulaklak kay Rita, kanina lang walang Rita na kumuha sa pinadala niya na bulaklak. Kaya naman nang tinawagan siya ng may-ari ng flower shop na ino-orderan niya ng bulaklak ay nagtaka siya nang sabihin sa kanya nito na walang tao na lumalabas sa bahay na pinagdedeliveran ng delivery man. Dahil doon ay nag pasya si Arman na pumunta sa bahay ng kaibigan na si Roldan. Pinarada ni Arman ang sasakyan sa tapat ng gate ng bahay ng kaibigan at kaagad ito na lumabas ng roon. Napagod na siya sa kaka-Doorbell ay wala pa rin ni isa na lumalabas sa bahay. "Ang pagkakaalam ko nasa bakasyon ang mga tao sa bahay na 'yan, pogi," napatingin si Arman sa likod niya nang marinig na may nag salita. "Saan daw po kaya sila pumunta?" sagot niya

