“May masakit ba sa ‘yo?” Tanong ni Arman kay Rita. Umiling -umiling si Rita sa kanya. “Wala po Sir,” mahinang sagot ni Rita. “Pasenya na po kayo talaga Sir, nang dahil po sa ‘kin pati buhay n’yo nalagay sa kapahamakan,” hindi makatingin ng deretso si Rita sa mga mata ng lalaki. “That’s okay, I’m sorry for what I’ve said earlier, I was so scared for you. Kaya next time ‘wag na ‘wag kang lalabas na mag-isa ka lang ng dis-oras ng gabi. Lalo na’t babae ka pa, at maganda pa. Kaya hindi malayong mangyari ulit sa ‘yo ang nangyari kanina,” paalala ni Arman sa dalaga. “Sir Arman hali po kayo at nang malinisan ko ang sugat n’yo upang hindi ‘yan ma infection,” si Aling Rosy na may dalang bulak at alcohol. Sa halip na ang sugat ni Arman ang unahin linisin ay kinuha sa kanya ng lalaki ang da

