Sa kagustuhan ni Arman na makapag-usap sila ni Rita ay nanatili pa ang dalawa sa rest house, pero sa tuwing lalapitan niya ito para kausapin ay lumalayo ito kaagad sa kanya, na animoy may nakakahawa siyang sakit, na ayaw man lang nito madikit sa kanya. At dahil nga roon ay sa magkahiwalay na silid sila natutulog, bibigyan niya pa ito ng time para makapag-isip at i-process lahat. At saka na niya kakausapin ang dalaga pag medyo malamig na ang ulo sa kanya. Dahil alam niya, na sa ngayon ay kahit na anong gawin niya na pagmamakaawa at paliwanag ay sarado pa rin ang puso't isip nito, para paniwalaan ang mga sasabihin niya, at malabo pa sa sikat ng araw na mapatawad na siya nito, kaya hindi muna niya pipilitin. Ang mahalaga ay kasama niya ito, at nababantayan ng mabuti. "Gusto mo bang magpahang

