Napahigpit ang hawak ni Rita sa kumot nang biglang mamatay ang ilaw, sa silid na kinaroroonan niya. Napalunok siya dala ng pagkatakot sa dilim, nagtatalo ang puso't isip niya kung lalabas ba siya at pupunta sa kabilang silid na kinaroroonan ni Arman. No! Kaya mo 'yan Rita, dilim lang 'yan, hindi ka lalapit sa lalaki na 'yon para humingi ng tulong, walang mangyayari sa 'yong masama, hindi ka natatakot! Mabilis ang pagtibok ng puso na warning niya sa sarili. Walang multo Rita, walang ligaw na kaluluwa ang gumagala sa tuwing hating gabi! Sabi-sabi lang nila 'yon kaya 'wag kang matatakot, okay! Hinga na ng lalim, inhale... exhale... Nakangisi na pumasok sa loob ng kabahayan si Arman matapos ibaba ang electric breaker na siyang nagsu-suply ng kuryente sa buong kabahayan. Kung ayaw siy

