“Inaantok ka na ba?” tanong ni Arman kay Rita nang makita niya ito na naghikab.
“Hindi pa naman po,” sagot ni Rita sa lalaki. Inunat nito ang likod na nangalay sa pagkakaupo. Habang nagpapaantok ang lola ni Arman ay nakahawak ng mahigpit sa kamay ni Rita. Kaya pati tuloy siya ay nahawa na ng antok.
“Tara na sa labas para makapag kape then ihahatid na kita pauwi,”
“Eh, paano po ‘to sir?” Turo ni Rita sa kamay ng lola ni Arman na nakahawak pa rin ng mahigpit sa kamay niya. “Ang galing ng talent ng lola n’yo sir ah, kahit tulog na hindi pa rin mabitawan ang kamay ko,”
“Pasensya ka na sa kakulitan ng lola ko ah,” maingat na hinawakan ni Arman ang ng lola niya at dahan-dahan na inalis iyon sa pagkakahawak sa kamay ni Rita. “Medyo makulit na talaga si lola simula ng lumala ang alziemre n’ya,”
Ginalaw-galaw ni Rita ang kamay na may katagalan ring hinawakan ng matanda.
“Okay lang po sir, sanay po ako sa matanda kasi nga may lola din ako. Gano’n lang talaga sila kung minsan sobrang kulit,”
“Salamat pa rin sa ‘yo at least kahit paano hindi ako nahirapan ngayon na pakalmahin si lola. Usually kasi pag nagtatantrums si lola ang hirap talaga. Sometimes it takes few hours to calm down her,”
Inayos ni Arman ang kumot sa lola nito at tuluyan na silang lumakad palabas ng silid ng matanda. Paglabas nila ay naabutan nila ang nurse ng lola ni Arman na nakatayo sa labas ng pinto.
“Dito ka ba sir magpapalipas ng gabi?” tanong ng nurse kay Arman. Hinaguran nito ng tingin ang buong katawan ni Rita.
“Bakit may kasama kang babae? Sino s’ya?” tumaas ang kilay ni Rita sa sinabi ng babae. Bigla tuloy siyang napaisip kung tagapag-alaga lang ba talaga ng lola ni Arman ang papel ng babae sa bahay na iyon. O baka naman pati ang lalaki ay inaalagaan rin nito? Perhaps on bed time? Tsss! Grabe ah!
“Hindi Emz, kailangan ko pa na ihatid ang kasama mo,” sagot ni Arman sa babae.
“Okay, then babalikan mo ako after?” pangungulit pa rin na anang nurse kay Arman.
“Let’s see kung makakabalik ako ng maaga. Medyo malayo-layo rin kasi ang paghahatiran ko sa kanya,”
Hanggang sa makarating sila ng kusina ay patuloy na nangungukit ang nurse kay Arman.
“Coffee or hot chocolate?” tanong ni Arman kay Rita.
“Kasi sir Arman baka pagnagising na naman ang lola mo atakihin na naman ng tantrums n’ya,” singit muli na pagsasalita ng babae.
“Emz, just tell me if I need to look another nurse to replace you?” mariing sagot ni Arman. Tumayo ng tuwid ang nurse sa tinuran ng lalaki.
“Saka na tayo mag-usap Emz, please. . .”
Tumalikod ang nurse at hindi na sumagot kay Arman, pero bago pa ito lumakad palayo sa kusina ay nakataas kilay ito na sumulyap kay Rita.
“Problema kaya ng babae na ‘yon? Ang sama makatingin ah!” tanong ni Rita sa sarili. Sa lahat naman ng nurse na nakita niya. Ang tagapag-alaga pa lang ng lola ni Arman ang nakita niya na halos buksan na lahat ng butones ng uniform nito na animo’y sinasadya talagang inihahain ang dalawang malulusog na dibdib sa mata ng mga makakakita. Hindi naman sa wala siyang ganoon kalaking hinaharap. At hindi rin siya bitter kung malaki talaga ang dibdib ng babae. Takaw pansin rin naman ang hinaharap niya kahit paano. Sadyang mas malaki lang talaga ang hinaharap ng nurse na iyon.
“Ay! Malaking hinaharap!” bigkas ni Rita sa gulat nang magsalita si Arman. Masyado na palang malayo sarili niya sa kakaisap sa malaking hinaharap ng babae at hindi na nito na malayan na kinakausap siya ni Arman. Eh magagawa niya kung na star struck siya sa laki ng dibdib ng babae?
“Ano’ng sabi mo?” Tanong ni Arman sa kanya.
“Ay! W-wala, wala po ‘yon sir!” pagsisinungaling niya na sagot sa lalaki. “Ano po pa lang sinasabi mo?” pagkuwan ay tanong niya sa lalaki kung ano ang sinabi nito na hindi niya narinig dahil lutang siya kanina.
“Ang sabi ko if you want you can sleep here tonight,” iniabot ni Arman ang tasa na may lamang kape kay Rita, “at bukas na kita ihahati ng umaga,” humila ito ng silya at umupo sa kabilang bahagi ng mesa paharap sa dalaga. “Ang kaso baka mapagalitan ka ng ate Camille mo,”
“Oo nga po sir, kaya kailangan ko po talaga na umuwi ngayon rin po,” si Rita na kinuha ang tasa ng kape kay Arman. Natulala si Arman sa nakatulis na makipot na labi ng dalaga habang paulit-ulit na hinihipanan ang kape. Bigla itong nakaramdam ng ingit sa tasa nang itapat ni Rita ang labi nito at sinimulan na sumimsim ng kape roon. Napa inom na lang rin siya ng kape nang makita niya ang mamasa masa na labi ng dalaga matapos nito na sumimsim ng kape sa tasa. Para siyang nakadrugs na animoy may nag-uudyok sa kanya na sunggaban ng mapusok na halik ang manipis at malambot na labi ni Rita.
"f**k!" he cursed silently sa kapusukan ng isip nang napag-iisip niya sa dalaga.
“Okay ka lang po sir?” tanong ni Rita nang mapansin na pinagpapawisan ang kaharap.
“Huh?” maang sagot ng lalaki sa kaharap.
“Sabi ko sir okay lang po ba kayo? Kasi parang pawis na pawis po kayo?”
“Ah, wala ‘to, ganito lang talaga ako pag-umiinon ng kape pinagpapawisan,” pagdadahilan ni Arman.
“Ah, gano’n po.” Sang-ayon ni Rita sa sinabi ng lalaki. “Siya nga po sir, ito po pala ‘yong singsing ng lola mo,” hinibad niya ang singsing sa daliri at inilapag sa ibabaw ng mesa. “ Ito na po sir at baka makalimutan ko pa po wala pa naman akong ipapalit d’yan pagnawala,” dagdag na sabi pa ng dalaga.
“Pwede rin naman ikaw na lang ang kapalit”
“Ano’ng sabi n’yo po sir?” ani Rita nang hindi maunawaan ang sinabi ng kaharap.
“Ang sabi ko take it, binigay na sa ‘yo ni lala ‘yan kaya sa ‘yo na ‘yan,”
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig na sinabi ni Arman. “Po?”
“Yes, binigay na ni lala ‘yan sa ‘yo kaya take it,” ulit na sabi pa ni Arman.
“Hala! Sir hindi ko po ‘to matatangap sir,” umiiling na sabi ni Rita.
“Then, hindi kita ihahatid sa bahay nila kuya Roldan mo pag hindi mo tinanggap ang singsing na ‘yan,” puno ng kaseryosohan na anang lalaki.
“Pero sir. . . Mukha po yatang mahal ang singsing na ‘to para ibigay n’yo sa akin?”
“Just take it Rita, please. Dahil pagmakita ng lola ko ang singsing na ‘yan sa bahay na ‘to mababatukan na naman ako ng wala sa oras. ‘yan ba ang gusto mo?” biro ni Arman sa kanya.
“Hala sir seryoso po kayo talaga na sa akin na ‘to?” hindi pa rin makapaniwala na sabi ni Rita sa kaharap.
“Ang kulit mo din ‘no? Sige uulitin ko. Take it dahil sa ‘yo na ang singsing na ‘yan, okay na ba?” tumayo si Arman at lumapit sa gawi ni Rita. Kinuha nito ang singsing at walang sabi-sabi na isinuot sa daliri ng dalaga. “Ubusin mo na ang kape mo para maihatid na kita,” anang lalaki at bumalik sa kinauupuan.
"Dahil pag nagtagal kapa rito baka hindi na kita pauwiin pa,” bulong ni Arman sa sarili. Ipinagpatuloy ang pagsimsim ng kape at nakatingin sa dalaga na halatang hindi makapaniwala na ibinigay niya ang singsing ng lola niya.
"Sa tamang panahon ko na lang sa ‘yo kukunin ang singsing na ‘yan kasama ka, Rita.”
Ani Arman sa sarili.