Chapter 5

2645 Words
Nakanguso na lumabas ng kotse si Rita at muntikan pa itong matipalok sa unang pag lapag ng paa nito dahil sa pointed heels na sandals na suot nito. Mabuti nalang at maagap si Arman. Mabilis ito na lumapit kay Rita at hinaklit nito si Rita sa baywang. “Kasi naman sir, eh! Dinala- dala mo pa ako di'to nakita mo naman ang suot ko di'ba? Mababalian pa po ako ng buto sa paa dahil sa 'yo, eh!” Asik ni Rita sa lalaki. Napakamot ng ulo si Arman. “Sorry,” natatawa nitong sabi. “Mukha ka kasing iiyak kanina habang nakatingin ka sa boyfriend mo—” “Ex. Ex boyfriend po sir,” taas kilay na sabi ni Rita. “Tsaka, saan n’yo naman po nakuha ang idea na iiyak ako? Hindi ko pagsasayangan luha ang lalaki na ‘yon ‘no? Hindi naman po s’ya pera para iyakan ko eh,” “Huh?” maang sagot ni Arman sa litanya ni Rita. “Patawa ka sir ‘no? Ang haba-haba ng sinabi ko tas ‘huh?’ Lang ang isasagot mo sa ‘kin?” She teased. “Okay, ang sabi ko po sir, wala akong balak na pag aksayahan ng luha ang tarantadong lalaki na ‘yon. Pera lang ang iniiyakan ko sir, gets mo na po?” “Ah. . . Eh bakit naman pera lang ang iniiyakan mo?” takang ani Arman sa sinabi ni Rita. Hindi niya maintindihan ang sinabi nito na pera lang ang iniiyakan nito. “Hindi mo po na intindihan sir ‘no?” nakanguso na ani Rita. “Mayaman ka kasi eh. Okay to make this conversation short. Pera lang ang iniiyakan ko dahil kailangan ng pambili ng gamot na maintenance medicine ng lola ko, pambayad sa kuryente, tubig, at araw-araw po na pambili ng pagkain ng lola ko at palaki namin,” paliwanag ni Rita. Tumango-tango si Arman sa kaharap. “I see,” tanging na sabi niya. Hindi niya alam pero bigla siyang nakaramdam ng paghanga sa sinabi ni Rita about sa lola nito. “Haist! Salamat po sir, siguro naman po pwede mo na bintawan ang bewang ko?” “Aw! Sorry. Sorry,” nahihiya na binitiwan ni Arman ang bewang ng dalaga. Hindi na nito na malayan na nakakapit pa rin pala ang kamay niya sa bewang ng dalaga. “Mas yado ka bang nadala sa MMK ng buhay ko sir?” pagkuwan ay natatawa na biro ni Rita. “Hindi naman,” tangi ni Arman. “Tsss! ‘wag n’yo na po i-deny sir halata naman po sa mukha n’yo, ‘wag n’yo muna po akong kaawaan dahil mas makabagbag damdamin pa po ang ibang parte ng buhay ko,” biro ni Rita sa kaharap. “No, hindi naman kita kinaaawaan. I just admire you on how you so much care for your lola. Beside I do things rin naman para sa lola ko,” pagkuwan ay sabi ni Araman. “Well, sigurado naman ako na hindi kita katulad na umiiyak sa pera kasi mayaman po kayo,” “Yeah you’re right, but anyway. Na saan ang mga magulang mo?” usisa ni Arman sa buhay ni Rita. “Alam mo sir, pass. ‘wag na po natin pag-usapan ang buhay ko,” pag-iiba ni Rita sa usapan. “Ikaw po sir, mukhang famous na famous ka sa bar ah? Grabe kung magtilian ‘yung mga babae kanina dahil sa kanta mo. Para kanino po ‘yon?” Tila umurong ang dila ni Arman sa tanong ni Rita. Paano ba niya sasagutin ang tanong na iyon ng babae na siyang pinag-alayan niya ng kanta? “Okay lang po sir ‘wag mo na sagutin kasi parang nahihirapan ka sa dami nila eh,” biro ni Rita kay Arman na mukhang walang balak na sagutin ang tanong niya. Sabagay palikero rin kasi kaya marahil hindi nito masagot kung para kanino inalay ang kanta. Sa dami ba naman ng mga babae kanina na abot hanggang tingil kung kiligin kay Arman kanina sa bar. At panigurado na kahit ito ay malilito sa dami ng mga babae na iyon. “To someone who are very special to my heart,” pagkuwan ay sagot niya kay Rita. “Talaga po sir?” ani Rita na parang hindi na niniwala sa sinabi niya. “Teka, bakit parang hindi ka naniniwala sa ‘kin?” si Arman na kinuha ang binili na can beer. Kaagad nito na binuksan ang isa at deniretso sa nanunuyo niya na lalamunan. “Mukha ba ‘kong hindi kapani-paniwala?” dagdag na sabi nito matapos uminom ng beer. “Wala naman po akong sinabi na hindi ako naniniwala sa ‘yo sir, at tsaka matanda ka na po,” bahagyang nasamid si Arman sa sinabi ni Rita na ‘matanda’ pinunasan niya ang bibig. “Grabe ka naman sa matanda ah,” reklamo niya. “Ang ibig ko pong sabihin sir, nasa tamang edad ka na rin po para mag-asawa, mukha naman pong hindi nalalayo ang age gap ninyo ni kuya Roldan ‘di po ba?” pagpapaliwanag ni Rita sa gustong sabihin. Saka ano naman ang pakialam niya kung maging babaero ito? Eh matanda na eh, ano pa nga ba ang pag-uubusan ng oras nito? Si kuya Roldan lang talaga niya ang the best kung magmahal sa ate Camille niya. “Magkaiba lang po talaga kayo ni Kuya Roldan. Si kuya Roldan kasi grabe kung magmahal kay ate Camille,” Sunod-sunod na nilagok ni Arman ang laman ng can beer na hawak nito. Pangalawang beses na siya ihinahalintulad ni Rita sa kaibigan niya na si Roldan. At parang gusto na niyang mainis ng kaunti. “Magkaiba talaga kami dahil mas gwapo ako sa kuya Roldan mo na ‘yon,” Pangangatwiran ni Arman. “Teka, malaki ba ang pinapasahod sa ‘yo ng mokong na ‘yon at build up na build up mo?” Umiling si Rita. “Sakto lang po sir, si kuya Roldan po kasi hindi ‘yun nag yo-yosi,” napatigil ang pagsindi ni Araman sa hawak na stick na sigarilyo, “at bihira lang din po uminom si kuya Roldan, kaya kung gusto mo na makahanap ng matino na babae na mapapangasawa sir, dapat po gayahin mo si kuya Roldan,” Binalik ni Arman ang stick ng sigarilyo sa box nito. “Alam kasi pangtangal stress ko lang naman ang paninigarilyo ko, at bihira lang din talaga ako uminom, oo totoo ‘yon,” giit na aniya sa kaharap. “Well payo ko lang naman po ‘yan sir, nasa ‘yo na po ‘yan kung susundin mo,” “Muli pa sanang mangangatwiran si Arman kay Rita nang tumunog ang phone nito sa bulsa. “Wait a sec,” kaagad na sinagot ni Arman ang phone ng makita ang naka register na number. Ang private nurse ng lala niya. “Hello sir! Nagwawala na naman po ang lola n’yo hinahanap po kayo sir,” tila natataranda na sabi ng nasa kabilang linya kay Arman. “Okay, okay. I’ll be there for a couple of minutes.” Nagmamadali niya na ini-off ang tawag. “We need to go,” aniya at hinila si Rita papasok sa loob ng sasakyan. “Saan po tayo pupunta sir?” tanong ni Rita sa lalaki ng mapansin nito na tila may emergency sa bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan. “I’ll drive you home na lang after natin pumunta sa bahay ng lola ko, kailangan ko lang s’ya puntahan ngayon,” nasa tinig ni Arman ang kaba at pag-aalala. Tumango si Rita sa sinabi ni Arman, at hindi na muling nag tanong pa. Sa itsura kasi ng lalaki ay halatang emergency iyon. Mabilis na pinarada ni Arman ang sasakyan nang ganap na silang makarating sa bahay ng lola nito. Hindi na nito nahintay pa si Rita na bumaba sa kotse. Nagmamadali na itong bumama at tumakbo papasok sa kabahayan. Malayo pa lang siya ay rinig na niya ang boses ng lola niya na sumisigaw. “Ang sabi ko sa ‘yo gusto kong makita ang apo ko! Na saan ang apo ko! Bakit ba ang kulit mo? Sino ka ba at bakit narito ka sa bahay ko?” sigaw ng lola niya na may alzheimer's disease o sakit na nakakalimot. Hinawakan ng matanda ang buhok ng private nurse nito at hinila iyon. “Ikaw? Bakit ba kanina mo pa ako pinakikialaman ha?” mainit ang ulo na sabi ng matanda sa nurse. “Aray ko po lola! Bitawan n’yo po ang buhok ko!” nakangiwi sa sakit na anang nurse. Mabilis na tinakbo ni Arman ang mga ito at hinawakan ang kamay ng lalo nito. “Lala, ano po ang problema? Bakit n’yo po sinasaktan ang angel mo?” mahinahon na sabi ni Arman sa matanda. Unti-unti na nagbago ang maasim na mukha ng lola nito nang makilala siya. “Sige na ako na ang bahala sa kanya,” nahihiya na sabi ni Arman sa nurse ng lalo nito. Minsan talaga nagiging mapanakit ang lola niya pag nagtatantrums ito, o ‘di kaya naman e, iyak na lang ng iyak. “Anak, Arnolfo,” hinawakan ng matanda ang magkabilang pisngi ni Arman. Kung kanina ay hinahanap nito ay ang apo nito ngayon naman na nakita siya nito ay ang pagkakakilala sa kanya ng matanda ay ang namayapa nitong kaisa-isang anak na lalaki na siyang ama ni Arman. “Sabi ko naman sa ‘yo naiinip na ako sa bahay na ‘to, hindi naman ako rito nakatira ‘di ba? Nasaan na ang asawa mo? Bakit hindi mo na naman sinama dito pati na ang paborito kong apo,” mahabang reklamo ng matanda. Huminga ng malalim si Arman. Heto na naman sila. Mahabang paliwanagan na naman sa lola niya na hindi siya ang anak nito kundi siya ang apo nito. “Lala wala pa po akong asawa—” “Siya ba ang asawa mo?” naging maaliwalas ang mukha ng matanda nang makita ang nakatayo na si Rita sa gilid ng mga ito. Binitawan ng matanda ang mukha ni Arman. Nakangiti ito na lumapit kay Rita. “Ang galing-galing mo talagang pumili ng babae apo! Ang ganda-ganda ng bata na ‘to,” hinagod ng matanda ang mahabang buhok ni Rita. “Ano’ng pangalan mo dear? Buntis ka na ba?” sunod-sunod na tanong ng matanda kay Rita. Nanlaki naman ang mga mata ni Rita sa turan ng lola ni Arman. “P-po?” gulat niya na usal sa sinabi ng matanda. “Ano po hindi po ako buntis at lalong hindi po ako asawa ng apo—” hindi na nagawa pang tapusin ni Rita ang gustong sabihin ng sumingit na nagsalita si Arman. “Ah, oo lala, s’ya po ang asawa ko,” nakangiti na ani Arman sa lola nito. “Just ride in, maya-maya makakalimutan na rin n’ya ang tungkol dito dahil may sakit s’ya” bulong ni Arman sa tainga ni Rita. Hindi na nagawa pang magprotesta ni Rita dahil sa sinabi ni Arman na may sakit ang lola nito. Isa pa sanay naman siya sa kakulitan ng matanda dahil na rin may roon siyang lola. “Naku lola wala pa po kaming baby sa ngayon ng apo n’yo pero ‘wag po kayong mag-alala kasi hahadaliin na po namin bumuo mamaya para may apo na po kayo sa tuhod,” nakangiti na sakay ni Rita sa trip ng matanda. Lihim naman na kinilig si Arman sa narinig. Parang kay sarap isipin na sana ay totoo na lang na asawa nga niya ito. “Talaga ba? Bibigyan n’yo na ako ng apo?” tanang matanda sa sinabi ni Rita. Mas maaliwalas na ang mukha nito kumpara kanina ng dumating sila na salubong ang mga kilay nito sa galit. “Oo naman po lola,” “Mabuti kung gano’n, teka ilan ba ang ibibigay n’yo sa akin na apo?” “Depende po sa kayang ibigay ng apo n’yo sa akin,” tumingin si Rita kay Arman, “Ilan daw ang kaya mong ibigay kay lola?” pagkuwan ay tanong nito sa lalaki. “I want three,” nakangiti na sagot ni Arman kay Rita. Hinawakan niya ang lola niya sa kamay. “Tara na po sa kwarto n’yo para makapagpahinga na po kayo,” hanggang makarating sa silid ng matanda ay walang humpay ang kwentuhan at kulitan ni Rita at ng lola ni Arman. “Wow! Lola ang ganda po ng kwarto mo!” manghang turan ni Rita sa magarang silid ng matanda. Lumapit ito sa malaking portrait ng matanda. “Ang ganda n’yo po sa litrato na ‘to lola mukha po kayong kastila,” kumento pa nito sa picture ng matanda. “Maganda talaga ako dear, parang ikaw, ang ganda-ganda mo!” bumaling ng tingin ang matanda kay Arman. “Ewan ko nga ba rito sa apo ko na ‘to kung bakit ngayon ka lang dinala sa bahay ko,” tila may pagtatampo na turan ng matanda. “Lala, busy lang po talaga ako sa trabaho—” “Sa trabaho ba talaga O sa mga babae mo?” walang preno na sabi ng matanda sa apo. Napakamot ng ulo si Arman sa pagkapahiya. Bawas pogi points na naman iyon kay Rita. Ang lola talaga niya kung minsan nakakainis rin, sa dami ng araw na maaalala nito ang pakikipag date niya sa mga babae na naaabutan nito sa condo niya noong panahon na malakas at wala pang sakit ang lola niya. Napaka wrong timing naman talaga na maalala pa ng lola niya iyon. And worst sa harap pa talaga ni Rita. “Si lala talaga. Matagal na po ‘yon lala. At nagbago na po ako. Behave na po ang apo n’yo ngayon,” pangangatwiran ni Arman sa lola. “Naku, eh dapat lang na mag bago ka na kasi matanda ka na,” sermon ng matanda. Hindi mapigilan ni Rita na hindi matawa habang binubungangaan si Arman ng lola nito. “Mag behave ka na po kasi sir,” biro ni Rita. Lumakad ang matanda sa drawer nito na malapit sa kama na tila may hinahanap ito. “Nakita na rin kita sa wakas!” masayang turan ng matanda. “Oh, heto apo isuot mo sa daliri ng asawa mo,” utos ng lola ni Arman sa lalaki. Ginagap ng matanda ang kamay ng apo at inilagay sa palad ni Arman ang singsing. “Ilang dekada na ang singsing na ‘yan pero tignan mo parang bago pa rin ‘di ba?” anang matanda kay Arman. “Pero bakit n’yo po sa ‘kin binibigay ang wedding ring ninyo ni lolo, lala?” Nanlaki ang mga mata ni Rita sa gulat sa nang batukan ng matanda ang apo nito. “Paano ang dami-dami mong pera pero ‘ni singsing e hindi mo mabilan ang asawa mo!” Anang lola ni Arman matapos na batukan ang lalaki. “Ngayon alam mo na kung bakit ko sa ‘yo binibigay ang singsing na ‘to. Hala sige na isuot mo na ‘yan sa kanya,” Napapakamot sa ulo na sumunod si Arman sa utos ng lola nito. Ginagap niya ang kamay ni Rita at sinuot sa pala singsingan ng dalaga ang singsing na nasa kamay nito. “Masakit ba?” biro na tanong ni Rita sa lalaki habang sinusuot ang singsing sa daliri niya. “Grabe pala ang lola mo ‘no? Nakakatakot parang dragon!” nakangisi na dagdag pa ni Rita. Napapakamot na lang si Arman sa harap ni Rita. Pero sa isang banda ay nagdidiwang siya sa tuwa dahil nahawakan niya ang malambot na kamay ng dalaga ng walang kahirap-hirap. Sa lahat ng pagkapahiya na ginawa ng lola niya sa kanya sa harap ng babae na lihim niyang kinababaliwan e, bawing-bawi naman sa pa-suot singsing portion ng lola niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD