Naunang dumating si Christian sa bahay at sinundan naman iyon ni Steven. Pinatuloy ko silang dalawa at pinaupo sa sofa. "Mabuti naman at nakarating kayo," masayang saad ko sa kanila. "Baka hindi rin ako magtagal Jana, gusto ko lang iabot itong regalo ko sa'yo," tugon naman ni Christian. "Kadarating mo lang, aalis ka na agad?" malungkot kong sambit sa kaniya. "May importanteng aayusin lang ako," tugon naman niya sa'kin. "Pwede bang dito ka na kumain? Kayo lang naman ni Steven ang bisita ko." Nagsusumamong tumingin ako sa mga mata ni Christian. Napabuntong hininga naman ito at tumango na lamang sa akin. "Salamat!" masayang bulalas ko. "Jana, Anak, halika nang kumain at baka gutom na sina Christian at Steven," tawag sa amin ni Mama. "Tara, kumain na tayo!" Nakangiting aya ko sa kan

