Malapit na ang graduation day namin at na-inform na rin kami tungkol sa mga estudyanteng kasama sa dean's lister. "Congratulations, Ms. De Castro! You made it!" Masayang bati sa'kin ni Ms. Catacutan. "Thank you, Mam!" Lumapit ako rito at niyakap ko siya nang mahigpit. "You deserve that position at isa ka sa mga magagaling kong estudyante rito sa campus, Ms. De Castro," nakangiting wika nito. "You're one of my favorite student among of all my students here, for almost four years. Pero siyempre, dumarating talaga ang panahon na kakailanganin nating maghiwalay para matuto tayong ma-develope ang ating mga sarili," madamdamin pa nitong wika sa'kin. "Thank you, Mam!" maluha-luha kong sambit sa kaniya at muli ko siyang niyakap nang mahigpit. Malambing si Ms. Catacutan sa'kin at aminado akon

