Chapter 40

1831 Words

Lumapit ako sa kama ni Steven at hinaplos ang pisngi nito. Sinuklay ng mga daliri ko sa kamay ang kaniyang alon-along buhok nang paulit-ulit. “Magpagaling ka, Steven,” humihikbing wika ko kahit na alam ko namang hindi niya ako naririnig. Pinagmasdan kong muli ang kaniyang mukha at saka dahan-dahang bumaba ang mukha ko sa kaniya. Hinalikan ko siya sa kaniyang noo. Patuloy na namamalibis ang luha sa aking pisngi at pumatak iyon sa kaniyang mukha. Bumuka ang bibig nito ngunit walang salitang namutawi buhat doon. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at sa aking pagkagulat ay humigpit rin ang hawak nito sa'kin. Tumingin ako sa kaniyang mukha at ganoon na lang ang tuwa ko nang makitang dumilat ito. "Steven..." madamdaming usal ko at tinapatan ko ang kaniyang mukha upang magtama ang aming mg

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD