Chapter 41

1832 Words

Steven Reyes (POV) Mabilis akong lumabas ng restaurant. Pabalibag kong ibinagsak ang pinto ng aking sasakyan. Mabilis kong pinaandar iyon at pinaharurot paalis sa lugar na ‘yon. Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa ‘di ko mapigilang pagluha. “Bakit, Jana?! "Bakit?!” humihiyaw kong tanong sa sarili. Dahil hilam ng luha ang aking mga mata, hindi ko napansin ang paparating na truck sa harapan ng aking sasakyan. Huli na ang lahat at hindi na ako makapagpreno pa kaya sinubukan ko na lang kabigin paliko ang manibela. Ngunit sumalpok din ang sasakyan ko sa isang poste kaya nabangga pa rin ako roon. Malakas na sumubsob ang ulo ko sa manibela at naramdaman ko ang biglang pamamanhid ng aking mga kamay. “Mahal kita, Jana!” Huling salitang namutawi sa aking labi at nagdilim na ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD