Chapter 2

1870 Words
“Ang gwapo talaga ni Sir!” kinikilig na sabi ng isang dalagita habang titig na titig sa taong nagtuturo sa harapan ng klase. “Hingiin natin ang cp number niya mamaya,” sabi pa ng isang dalagitang kinikilig din. “Lamang lang ng paligo ‘yan sa akin si Sir eh,” sabi naman ng isang binatilyo. “Hoy kupal! Mahiya ka nga sa mga sinasabi mo. Ni wala ka pa nga sa kalingkingan ng kagwapuhan ni Sir, noh!” asar na sabi naman ng isang dalagita. Napangiwi naman ako sa mga sinasabi nila. Kung bakit naman kasi ang lakas ng karisma ni Christian. Tipong kahit saan magpunta ay nililingon at pinagkakaguluhan. ‘Di ko tuloy maiwasang isipin na nakikinig lang ang mga bata sa kaniya dahil sa gwapo siya at ‘di dahil sa kung ano ang itinuturo niya. Haist! Kunsabagay ‘di ko rin masisisi ang mga batang ‘to. Kahit ako tinamaan din ng karisma ng lalaking ‘to eh! Lihim na pagtingin mula nang makilala ko siya! “Ms. De Castro, it’s your turn!” Tinig ni Christian ang nagpabalik sa lumilipad kong diwa. Nakita kong nakatingin na silang lahat sa'kin, nakaramdam tuloy ako ng kaba. "First time magturo, Jana?” Kastigo ko sa sarili. “Sir, maysakit po ‘ata si Mam, namumutla po kasi siya,” sabi ng isang dalagita. Lumapit sa pwesto ko si Christian. “Masama bang pakiramdam mo, Jana?” nag-aalalang tanong niya sa akin. “Okay lang ako Kuya, sige punta na po ako sa harapan.” Sabay hakbang palakad papunta sa may harapan ng klase. "Mas kakabahan lang ako lalo pag manatili riyan sa tabi mo,” ani ko pa sa isipan. Nag-umpisa na akong magturo. Alam kong hindi nakikinig ang ibang mga bata sa'kin dahil nakatutok pa rin ang kanilang pansin kay Christian. Nagbigay ako ng “hugot” para maagaw ko ang pansin nila mula rito. “Class, kung pa’no ninyo mahalin ang inyong mga kasintahan ay ganoon din dapat ninyo mahalin ang inyong mga magulang,” wika ko sa mga bata. “Uy, si Mam humuhugot!” saad ng isang binatilyo. “May boyfriend ka na po ba, Mam?” tanong naman ng isang binatilyo. “Ako na lang manliligaw sa’yo Mam, pwede po ba?” sabi naman ng isa pang binatilyo. “Hoy Kupal, sa pangit mong ‘yan hindi ka papatulan ni Mam,” sabi naman ng isang dalagita rito. “Hoy Carla, siguro may gusto ka sa ‘kin. Kanina ka pa nagpapapansin eh,” ganting sagot ng binatilyo rito. “Hoy Kupal! Kahit ikaw na lang ang natitirang lalaki sa mundo, hinding-hindi ako magkakagusto sa isang pangit na tulad mo.” Naghiyawan naman ang buong klase. Napailing na lamang ako sa mga ito habang nangingiti. Napatingin ako sa direksyon ni Christian at nakita kong nakatingin din pala ito sa'kin. Naghanda na kami patungo sa isa pang school na tuturuan namin. Nagpara ito ng jeep at inalalayan pa akong makasakay. Ipinuwesto niya ako sa likod ng driver at siya naman ay umupo sa tabi ko kung upang ‘di ako masanggi ng iba pang pasahero. "Ayos ang hugot mo kanina ah, nakuha mo atensyon ng mga bata,” sabi nito. “Pa’no naman kasi sa’yo lang sila nakikinig.” Bumuntong hininga pa muna ako. “Feeling ko talaga hindi ako nababagay sa pagtuturo,” malungkot kong turan sa kaniya. “Tsk! Lahat ng bagay ay napag-aaralan Jana, nagtitiis kang magturo dahil iyon ay gusto mo rin. Saka, kaya nga ako nandito ‘di ba, para samahan at tulungan ka,” litanya nito sa'kin. Ngumiti lang ako sa kaniya. “Kung alam mo lang na kaya ako nagtitiis dito ay dahil gusto ko lang talagang makita at makasama ka,” bulong ko naman sa isipan ko. ----------- Dahil exam week, nag-text ako kay Christian at Pinuno na hindi muna ako makakapagturo sa mga bata at naiintindihan naman nila iyon dahil kasalukuyan ding exam week ng kapwa ko volunteer na nagtuturo. Umupo sa tabi ko si Lyn at inaya niya akong manood ng basketball sa gym. Tumango naman ako sa kaniya bilang pagsang-ayon. “Tamang-tama nang makapagpahinga rin mula sa stress ng mga exams,” sabi ko pa sa kaniya. Nagpunta na kami sa gym nina Lyn at Ice, ‘di ko napansin ang bato sa aking daraanan dahil nakatutok ang mga mata ko sa kadudutdot sa cellphone kaya napatid ako. Mabuti na lamang at may biglang humila sa kanang pulsuhan ko kaya hindi ako natuloy sa pagbagsak sa lupa. Paglingon ko ay isang gwapong lalaki ang natunghayan ko. “Sa susunod mag-iingat ka, Miss, hindi masarap kahalikan ang lupa. Ako na lang ang halikan mo kung gusto mo!” Ngumisi ito sabay kindat at tumalikod papasok sa loob ng gym. Namula naman ang mga pisngi ko sa sinabi nito. “Bast*s!” sigaw ko sa kaniya. Nilingon niya ako at nginisihan lang ulit. Inis na inis ako at parang gusto kong habulin ito at batukan. “Okay ka lang ba, Jana?" nag-aalalang tanong ni Ice. "Ang swerte mo naman friend! Sana ako na lang natapilok,” natitilihang anas ni Lyn. Napangiwi naman ako sa sinabi nito. “Maswerte ka riyan! Ang malas nga dahil muntik na akong mahalikan ng lupa tapos may bastos pang lalaki na lumapit sa'kin,” nakasimangot kong saad dito. “Bruha ka talaga! Hindi mo ba kilala ‘yong lalaking sumagip sa’yo?” tanong ni Lyn sa'kin. Umiling ako sa kaniya bilang tugon. “Grabe ka Jana! Saang planeta ka ba galing at para kang ignoranteng walang alam sa paligid mo?!” natitilihang tanong naman ni Ice sa'kin. Napatanga naman ako sa kanilang dalawa. “Siya lang naman si Steven Reyes, ang twenty-three years old varsity player at campus crush dito sa campus. Sila rin ang may-ari ng S&R Hotel Restaurant dito sa bansa.” Namimilog pa ang mga mata ni Lyn habang nagsasalita. Pinaikot ko naman ang mga mata ko sa kanila. Ano namang malay ko sa mga varsity player ng campus? Eh napasama nga lang ako ngayon sa kanila gawa nang inaya ako ni Lyn dito na manood ng laro. Kung ako lang, ‘di naman talaga ako pumupunta sa gym lalo na at kung hindi rin lang naman P.E. class. Pagpasok namin sa loob ng gym ay punuan na ang bawat bench at halos wala na ring maupuan kahit saan ka lumingon. May isang tao akong napansin na kumakaway sa'min at parang pinapalapit kami nito sa kanilang pwesto. Napansin din pala ito nina Lyn at Ice, kung kaya mabilis akong hinila ng dalawa papunta sa pwestong ‘yon. “Miss, dito na kayo umupo sa upuan naming mga player. Punuan na kasi ang lahat ng bench. Ayoko naman mapagod ka kakatayo at baka bigla ka na lang matumba kagaya kanina. Mukhang lampa ka pa naman,” dire-diretsong sabi ng binata na nakatitig pa sa aking mukha. “Bast*s ka talaga!” inis na turan ko sa kaniya. “Gwapo naman!” At ngumisi pa ito ng nakakaloko. Kumukulo ang dugo ko sa kaniya at gusto ko siyang batukan. Pahakbang na ako nang bigla akong hilahin nina Lyn at Ice. "Pumayag ka nang umupo tayo rito, Jana at magsisimula na ang laro.” Pakiusap ni Lyn sa kaniya. Lumapit naman si Ice sa akin upang yakapin ako. Bumuntong hininga muna ako para maalis ang inis na nararamdaman ko. “Ang sarap kurutin sa singit ng mga ‘to,” bulong ko sa sarili. Umupo sina Lyn at Ice sa upuan na ibinigay sa'min ng binata. “Mga kaibigan ko ba talaga kayo?” tanong ko sa dalawa. Ngumisi lamang ang mga ‘to sa akin at nag-peace sign pa ng kanilang mga kamay. Sa buong oras nang panonood ko sa laro ay sabay na ring nabingi ang dalawang tainga ko sa mga tilian ng mga babaeng nasa paligid namin. Gayon din sina Lyn at Ice na akala mo ay mga kinukurot ang singit nila kung makahiyaw. Gusto ko nang takpan ang mga tainga ko dahil naiinis na akong talaga sa kasisigaw nila. Tumunog ang cellphone ko tanda na may nag-text. Napangiti naman ako nang mabasa kung kanino galing 'yon. Christian: Musta exam? Me: Aus nman kuya, mdjo mahirap konti… Christian: Miss ka na ng mga estudyante mo :) Me: Buti pa sila na-miss ako :( joke! Christian: Na-miss din kita :) Tumalon ang puso ko sa tuwa nang mabasa ang reply nito. “Gosh! Na-miss din daw niya ako!” Natatarantang nag-type ako ng reply sa kaniya. Me: See you soon kuya! :) Dahil sa sobrang tuwa ay tumili rin ako ng malakas. Siniko naman ako ni Lyn sa aking tagiliran. "Hulaan ko, nag-text ‘yong kuya mo kuno?” asik niya sa'kin. "Hala siya?! Panira ng moment lang te?” At inirapan ko ito. Natapos ang laro at nakita kong palapit na sa'min ang grupo nila Steven. "Siyempre upuan nila ‘yang inuupuan niyo eh,” bulong ko sa sarili. Ngumiti ito sa akin nang makalapit na sila. Iniabot niya sa'kin ang trophy na napanalunan nila. Napatingin naman ako sa ibinigay nitong trophy. “Anong gagawin ko rito?” tanong ko sa kaniya. “Souvenir ko sa’yo para lagi mo kong maalala,” nakangising wika nito at kinindatan pa ako. Naghiyawan naman ang mga kagrupo nito. Kilig na kilig naman sina Lyn at Ice sa tabi ko habang ang ibang mga kababaihang naroon ay panay rin ang tilian. Inismiran ko silang lahat pati na rin ang binata. Ibinalik ko ang trophy sa kaniya ngunit ‘di niya iyon tinanggap. Kaya tuloy hawak-hawak ko pa rin ang trophy nang hilahin ko sina Lyn at Ice palabas ng gym. ----------- “May naghahanap sa’yo Jana, nasa dulong mesa nakaupo,” sabi ng manager ko. Kasalukuyan na akong nasa part time work ko ng mga sandaling iyon. “Sige Sir, puntahan ko na lang po muna.” Paalam ko sa manager ko. Tinungo ko ang mesang sinabi ng aking manager at nanlaki ang mga mata ko nang makita roon si Steven. “Ikaw?! Ano’ng ginagawa mo rito?” asik ko sa kaniya at nginisihan lang naman ako nito. “Naiwan mo sa gym ang ID mo. Kaya naisipan kong dalhin dito sa'yo para isauli ito.” Sabay abot sa'kin ng ID ko. “Dito niya pala nalaman ang address ko sa work,” bulong ko sa sarili. “May sinasabi ka ba?” nakangising tanong nito. “Wala! Sabi ko, salamat!” Kinuha ko sa kamay niya ang ID ko. “Salamat lang?” tanong niya sa akin. "Ano ba'ng gusto mo para makaalis ka na rin," tanong ko sa kaniya. "Kiss..." Pinahaba pa nito ang nguso niya. Tinampal ko ng isang palad ang bibig nito. “Pwede ka nang umalis may trabaho pa ako,” mataray kong sambit sa kaniya. “Hindi ba pwedeng tumambay muna rito at magkwentuhan tayo?” nakangising tanong niya sa akin. “Hoy Steven, binabayaran ako rito para magtrabaho at hindi para makipagkwentuhan sa'yo. Ngayon kung wala kang magawa sa buhay mo, ‘wag mo akong idamay dahil busy rin akong tao. Kaya makakaalis ka na!” mataray kong sabi sa kaniya at tinalikuran na ito upang bumalik sa aking mga ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD