Steven Reyes (POV)
Napailing na lamang ako habang tinatanaw ang papalayong dalaga.
Siya pa lang ang babaeng ‘di ko kinakitaan ng kahit konting paghanga man lamang sa'kin.
Napakataray pa niya!
Hindi ko rin alam kung ba’t parang natutuwa pa akong asarin lalo ang dalaga.
“Tsk!” Napakamot na lang ako sa noo at lumabas ng kainan na ‘yon.
Naabutan kong nag-uusap ang dalawang kasamahan ni Jana sa parking lot.
Nilapitan ko ang mga ito at kinausap sandali. Pasimple kong itinanong sa kanila ang oras ng out ni Jana at sinabi naman nila sa'kin.
Ngumiti ako sa mga ito at nagpaalam na.
Susunduin ko na lang ang dalaga sa oras nang uwian nito.
Mabilis akong sumakay ng aking sasakyan at umalis sa lugar na ‘yon.
“May isang oras pa bago ang oras ng kaniyang labasan,” sabi ko sa sarili habang tinitignan ang orasang pambisig.
Pumunta ako ng flowershop upang bumili ng bulaklak para sa dalaga.
Natanaw ko ang dalagang palabas ng pintuan mula sa kaniyang trabaho.
Nilapitan ko siya ng ‘di niya namamalayan dahil nakayuko ito at abala sa pagtingin sa kaniyang cellphone.
“Kaya ka naman pala natatapilok ay dahil wala sa daraanan ang iyong mga mata,” anas ko sa kaniya na ikinagulat niya.
“Ay kabute!” Muntik niya nang mabitiwan ang hawak na cellphone dahil sa pagkagulat.
“Ano ka ba? Ba’t ka ba nanggugulat? Saka ba’t nandito ka na naman?” sunod-sunod niyang tanong sa akin.
Natawa naman ako sa reaksyon nito.
“Sinusundo lang kita. Gabi na at baka mapahamak ka pa,” sagot ko sa kaniya.
“Hindi mo ako kailangan sunduin, ‘di naman kita boyfriend para sunduin mo," nakasimangot niyang turan sa akin.
Tinalikuran niya ako at naglakad na palayo sa'kin.
Napangiti naman ako sa sinabi nito, “E ‘di liligawan kita para maging girlfriend na kita.”
Huminto ito sa kaniyang paglalakad at mabilis na tumakbo pabalik sa akin.
Binatukan niya ako ng malakas.
“Baliw ka talaga!” naiinis na wika nito.
“Pasalamat ka nga at ikaw ang liligawan ko. Samantalang ‘yong ibang mga babae riyan naghahabol pa sa akin para lang mapansin ko,” nakangising saad ko sa kaniya.
Binatukan niya ulit ako.
“Ang yabang mo talaga! Ang lakas talaga ng hangin sa katawan mo,” nanggigigil niyang sabi sa'kin.
“Aray! Nakakadalawa ka na ha. Isang batok mo pa ay hahalikan na talaga kita kahit maraming tao rito." Banta ko sa kaniya.
Inirapan ako nito at hindi na muling nagsalita pa.
Natakot sigurong totohanin ko ang banta sa kaniya.
Tinalikuran ako nito at naglakad na siya palayo sa akin.
Pagtawid nito sa kabilang kalye ay nagulat pa siya nang malingunan niya ako sa kaniyang likuran.
“Ba’t ka ba sunod nang sunod sa akin? Daig mo pa ang asong buntot nang buntot,” asik nito sa akin.
“Ihahatid na nga kita sa inyo at gabi na. Mahirap magbiyahe ng mag-isa lalo na at babae ka pa naman,” sabi ko pa sa kaniya.
“Marunong akong umuwi mag-isa!” mataray niyang anas.
Tamang-tama namang may dumaan na jeep ay agad itong sumakay roon.
Nagulat ako sa kaniyang ginawa at napangiti na lang nang belatan pa niya ako.
“It’s too late Son, saan ka galing?” Salubong na tanong ni Mommy sa akin.
“Galing lang po sa isang kaibigan, Mom,” pagod na turan ko sa kaniya.
“I guess, binasted ka na naman nang nililigawan mo. Bitbit mo pa ang mga bulaklak sa kamay mo eh,” nakangiting sabi nito.
Napangiti naman ako nang makita ang mga bulaklak.
Ibibigay ko sana ang mga iyon kay Jana kanina.
Inabot ko kay mommy ang mga bulaklak at hinalikan ito sa kaniyang noo.
Umakyat ako sa aking silid. Pagkatapos kong mag-shower ay inihiga ko na sa kama ang pagal kong katawan.
Hindi mawala sa isipan ko ang magandang mukha ni Jana.
Napakaganda nito kahit na nakasimangot pa.
Nang makita kong matutumba ang dalaga sa lupa ay agad kong nilakihan ang mga hakbang upang marating agad ang pwesto nito.
Agad kong hinawakan ang kaniyang kanang pulsuhan nang hindi ito tuluyang masalo ng lupa.
Para akong nakakita ng anghel na bumaba mula sa langit nang lumingon ito sa akin.
Napansin ko sila ng mga kaibigan niya sa loob ng gym na palinga-linga upang humanap ng mauupuan.
"Pre, pwede bang dito na natin paupuin ang tatlong babe na 'yon? tanong ko kay Bryan.
"Ikaw bahala, Pre!" tugon naman nito sa'kin.
Kinawayan ko sila Jana upang lumapit sa pwesto namin.
Doon ko sila pinaupo sa upuan naming mga player upang makaupo ang mga ito at nang madalas ko ring masilayan ang mala-anghel na mukha ni Jana.
Pagtingin ko sa pwesto ng dalaga ay napansin kong nakasimangot ito. Parang hindi ito natutuwa sa panonood ng laro namin.
Nagawa lamang nitong ngumiti nang hinarap na niya ang pagdudutdot ng kaniyang cellphone.
Nakaramdam naman ako ng inis sa kung sinuman ang ka-text nito.
Nang matapos ang laro ay mabilis kong inaya ang mga kagrupo na bumalik sa upuan naming mga player. Ibinigay ko sa dalaga ang napanalunan naming trophy para mapansin niya ako. Pero parang hindi naman natuwa ito sa ginawa ko.
Nakita ko ang ID niya na nakasabit sa aking bag. Nahulog siguro iyon dahil sa pagmamadali niyang makaalis.
Doon ko nakita ang buong pangalan ng dalaga at address nito sa trabaho. Nagtatrabaho pala siya sa gabi.
Bagay na lalong napahanga ako sa kaniya dahil nagagawa niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.
Nalaman ko lang ang nickname niya nang sabihin ng manager niya sa akin. Kaya ‘yun na rin ang itinawag ko sa kaniya.
“Aaah!!! Ba’t ba parang nahipnotismo mo na ako, Jana?” Naihilamos ko sa mukha ang mga kamay at sinubukang pumikit hanggang sa tuluyan na akong makatulog kaiisip sa kaniya.
Kinabukasan…
Maaga akong tinawagan ni Tito para pumalit sa kaniya sa pagko-coach sa mga player niya.
Masama raw ang kaniyang pakiramdam.
Bagay na pinagdududahan ko rito.
Tiyak na uminom na naman iyon kagabi kaya nalasing.
“Tsk!” ani ko sa sarili.
Nasa biyahe na ako nang mapansin ko si Jana sa isang waiting shed.
Hininto ko ang sasakyan sa tapat niya at binuksan ang pinto para pasakayin ito.
“Papasok ka na ba ng campus? Tara, sabay ka na sa'kin!” Alok ko sa kaniya.
“Ikaw na naman?! Ayoko nga sumabay sa’yo baka ‘di pa ako makarating sa campus,” sagot naman niya sa'kin.
“H'wag kang mag-alala, makakarating ka sa campus ng ligtas at maayos,” paninigurong wika ko sa kaniya.
“Ayokong sumabay sa'yo at baka magkautang na loob pa ako!” sagot niyang muli sa akin.
"Ang sakit mo namang magsalita!" ani ko sa kaniya at pinalungkot pa ang aking mukha.
Nagmatigas pa rin ito kaya bumaba na ako ng sasakyan.
Binuhat ko siya papasok sa frontseat at pinaupo roon sabay lock ng pinto.
Mabilis akong umikot pasakay sa driver seat nang makita kong lalabas doon ang dalaga.
“Hoy, ibaba mo nga ako. Ba’t ba kasi pinipilit mo akong isabay, eh ayoko nga!” inis na sabi nito sa'kin at pinagpapalo ako sa braso.
Lumapit ako sa kaniya at isinuot ang seatbelt dito. 'Di sinasadyang natamaan ko ang kaniyang dibdib.
"Bastos!" Sabay suntok niya sa braso ko.
"Babae ka ba talaga?!" saad ko sa kaniya.
Sinamaan niya ako nang tingin.
“Alam mo, doon din naman kasi ang punta ko sa campus. So, ba’t 'di ka pa sumabay sa akin eh ang hirap nang sumakay ng ganitong oras diyan ng jeep,” sabi ko sa kaniya at tinuro ko pa ang waiting shed na pinanggalingan nito.
“Ano ba’ng pakialam mo? ‘Di naman ikaw ang mahihirapang sumakay 'di ba?” nakalabi niyang wika.
“Bakit ba ang sungit-sungit mo? May regla ka ba?” nakangising saad ko sa kaniya.
"Bast*s ka talaga!” Namula ang kaniyang mga pisngi at pinagsususuntok akong muli nito sa braso.
“Sh*t! Stop it! Baka mabangga tayo!” saway ko sa dalaga.
Huminto naman ito sa pagsuntok sa'kin at ‘di niya na ako kinibo hanggang sa makarating kami ng campus.
Pinarada ko muna ng maayos ang sasakyan pagdating sa campus.
Pagbaba namin ay tilian ng mga babae sa kabilang kalye ang sumalubong sa amin.
Lumapit pa ang isa para lang magpa-autograph.
Kinikilig naman ang babae matapos kong pirmahan ang notebook niya.
“Ang OA naman nila!” sabi ni Jana at saka inirapan ang mga ito.
“Selos ka lang eh!” sagot ko naman sa kanya.
“Ako? Magseselos? Duh!” Pinaikot pa niya ang mga eyeball niya sa mata.
Tumawa ako ng malakas sa ginawa nito, “Ang pangit mo pala kapag naiinis.”
“Thank you sa pagsabay!” nakasimangot niyang sabi at lumakad na palayo sa'kin.
Sinundan ko ito at hinila sa kaniyang braso na naging dahilan nang pagkakadikit niya sa aking dibdib.
Inangat ko ang kaniyang mukha at matiim siyang tinitigan sa kaniyang mga mata.
Dahan-dahan kong ibinaba ang mukha sa kaniya at ginawaran siya ng halik sa kaniyang mga labi.