Ang pagkamatay ni Levi

2117 Words

Pagkapasok ni Azriel sa loob ng bahay, direkta niyang tinungo ang silid ni Soeji. Hinanap ang kaniyang damit pang-itaas na hinubad niya kanina. Nang makita itong nakasabit sa isang haligi, kinuha niya ito at isinuot agad. Natigilan siya nang makapa ang bulsa nito at saka kumunot ang kaniyang noo. “Nasaan na iyon?” bulong nito sa kaniyang sarili. May kung ano siyang naalala. Isang bagay na pag-aari niya na lubos na mahalaga para sa kaniya. Muli niyang kinapa ang bulsa ng kaniyang damit, pati na ang bulsa ng suot niyang pantalon. Wala talaga at hindi niya ito mahanap. Sumilip siya sa ilalim ng higaan. Kahit saang sulok tiningnan niya pero hindi pa rin ito mahagilap. Napabuntonghininga siya at nag-isip nang maigi kung saan niya huling inilagay ang bagay na iyon. “Ito ba ang hinahanap mo?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD