“Shyve!” Kapuwa napabaling ang mga tingin nina Shyve at Azriel nang marinig nila ang boses na tumatawag sa dalaga. Namilog ang mga mata ni Shyve nang makita niya na nakadungaw sa bintana ang pinsan niya na si Red. Kagigising lang nito mula sa ilang araw na pagkatulog. “Red!” Dali-daling tinakbo ng dalaga ang bintana kung saan naroon si Red. Masaya siya dahil sa wakas, nagising na ang kaniyang pinsan. Sinalubong siya ng ngiti ni Red habang patakbong lumalapit. Kitang-kita niya ang masayang mukha ng dalaga nang umagang iyon. “Mabuti naman at nagising ka na! Hinihintay ka namin na magising kahapon pa.” Bakas sa mukha ni Shyve ang sayang nadarama. “Sandali, papasok ako!” Pumasok si Shyve sa loob ng bahay at buong higpit na niyakap si Red. Nawala lahat ng kaniyang pag-aalala mula pa noong

