“Ah! Azriel!” Napaatras si Shyve mula sa nakahiga na si Azriel. Takot na takot ang dalaga dahil sa nakita nito ang walang malay na lalaki. Naliligo sa sariling dugo. Si Soeji, na ngayo'y nasa kakaibang anyo ay dahan-dahang tumayo at humarap kay Shyve. Nanlilisik ang mga kulay asul na mga mata at ibinuka nang malaki ang kanyang bibig. Susugurin niya ang dalaga na kasalukuyang nakaupo sa tabi ng walang buhay na si Azriel. Nanlalaki ang mga mata ni Shyve at nababakas sa mukha nito ang matinding takot. Hindi niya akalain na ang binatilyong tumulong sa kanila ay ang taong tatapos ng buhay niya. Napasigaw nang malakas si Shyve nang papalapit na sa kaniya si Soeji. “Huwag!” sigaw ng dalaga at saka iniharang ang magkabilang braso sa kaniyang mukha. “Huwag!” ulit niya na ngayo’y nakapikit na ang

