KINABUKASAN ay halos hindi maimulat ni Kate ang kanyang mga mata dahil namamaga ang mga talukap mula sa ginawa niyang pag-iyak kagabi. Ngunit magaan pa rin ang kanyang pakiramdam. Pagkatapos niyang magbanyo ay naupo siya sa isang sulok ng silid at taimtim na nagdasal. Nagpasalamat siya para sa umagang iyon, sa isa pang araw na ibiniyaya sa kanya. Hiniling niyang sana ay maging maayos ang lahat sa araw na iyon. Taimtim siyang humihingi ng kapatawaran sa sidhi ng galit na kanyang naramdaman. Hiniling niyang sana ay hindi na niya maramdaman ang galit na iyon kailanman. Humingi siya ng patnubay. “Tulungan N’yo po ako sa lahat ng gagawin ko. Gabayan po N’yo ako sa tama,” usal niya habang nakapikit at nakayuko ang ulo. “At maraming salamat po kay Eric. Maraming salamat po dahil nasa tabi ko siy

