16

2645 Words

NAPAPITLAG si Kate nang maramdaman ang mga brasong pumaikot sa kanyang katawan. Kaagad kumalat sa buong katawan niya ang ginhawa na hatid ng mainit na katawang yumakap sa kanya mula sa likuran. Alas-diyes na siguro ng gabi ngunit nasa dalampasigan pa rin siya. Nakasindi naman ang ilaw mula sa malapit na kubo kaya hindi gaanong madilim. Banayad pa ring humahalik ang mga alon sa dalampasigan. Napakapayapa ng paligid. Tanging mga tunog mula sa kalikasan ang maririnig.  Hinigpitan ni Eric ang pagkakayakap sa kanya. Kanina, hindi alintana ni Kate ang lamig ng gabi, hindi niya nararamdaman. Nalaman lamang niyang nilalamig siya nang sakupin siya ng mga braso ni Eric at maramdaman ang ginhawa ng init na nagmumula sa katawan nito. Nang mga sandaling iyon din lang niya natanto kung gaano siya nagpa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD