“HIHIGA KA nalang ba riyan at hihintayin na mamatay ka?” Kunwari ay walang anumang narinig si Kate mula kay Eric. Kanina pa niya hindi pinapansin ang binata. Kinakausap siya nito ngunit hindi niya sinasagot. Tila naiinis na ito sa kanya kaya sarkastiko na ang tinig. Kasalukuyang nakahilata si Kate sa malambot na sofa sa sala, nakatutok ang mata sa malaking screen ng TV. Kanina pa niya pinapanood ang Grey’s Anatomy. Kanina, isang oras siyang nagkulong sa loob ng banyo at nagpalipas ng inis at sama ng loob. Paglabas ay ang TV na ang pinagkaabalahan niya. “Kate! Alas-dos na. Kailangan mong uminom ng gamot at hindi ka pa nananghalian. Hindi puwedeng walang laman ang tiyan mo kapag ininom mo ang mga gamot.” Muli ay hindi sumagot si Kate. Itinuon niya ang kanyang atensiyon kay Doctor McStea

