GUMAWA sila ng maliit na bonfire sa beach kinagabihan. Gustong maranasan ni Kate ang bonfire kaya magkatulong silang bumuo niyon. Maliit lang naman iyon, pinagkasya nila ang mga napulot nilang tuyong sanga. Naglabas si Kate ng mga marshmallow, bite-sized hotdogs, at longganisa. Halos siya lamang ang kumakain, nakangiting pinanonood lang siya ni Eric. “Marunong ka bang kumanta?” kaswal tanong na tanong ni Kate habang pinaparaan sa apoy ang isang malaking marshmallow na nakatuhog sa barbeque stick. “I don’t know,” nakangiting tugon ni Eric, nangingislap ang mga mata nito sa kaaliwan. “Marunong ba ako?” Sandaling nag-isip si Kate. “Mahusay. Mahusay kang kumanta.” Tumango si Eric. “Okay. Mahusay akong kumanta. I’m apparently good at everything.” Tumango rin si Kate. “May nakita akong git

