NAPALUNOK si Kate nang makita ang dambuhalang makina sa kanyang harapan. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Makailang beses na siyang naipasok sa makina na iyon ngunit hanggang sa ngayon ay hindi maalis o mabawasan man lang ang kaba at takot na nadarama niya sa tuwina. Sa loob ng ilang minutong nasa loob siya niyon, hirap na hirap siyang huminga. Inaasahan niyang paglabas niya roon ay sasabihin sa kanya ng mga doktor na may nakita ang mga ito sa kanyang utak. Minsan ay natatakot siyang sa paglabas niya ay muli niyang makikita si Eric. “Ma’am,” usal ng nurse habang iniikot ang wheelchair niya paharap sa booth kung saan naroon ang mga technician. Napangiti si Kate nang makitang naroon din si Euan. Nakangiti ang binata sa kanya. Kahit na may distansiya sa isa’t isa at may salaming pader n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


